Saturday, March 27, 2021

Tiktok Creator Ysakaela Fujimoto, Pinag-uusapang Kabit Umano ni King Badger


Kasabay ng paglalabas sama ng loob ng pamilya ni Jelai Andres laban sa umanoy pagloloko muli ng asawang si Jon Gutierrez kay Jelai ay nag-post naman itong si Jon sa social media accounts nito bilang sagot sa mga ibinunyag ng pamilya.

“Buong pamilya yata gustong maging vlogger at influencer eh. Di lahat ng bagay pinopost sa social media po. Goodnight guys!”,ani ni Jon.

Hindi naman maiwasan ni Jelai Andres ang magkomento sa post ng ngayon ay kontrobersiyal na asawa nito.

“Walang off fan ng comments wala ka pala e”, paghahamon ni Jelai.

Hindi pinalagpas ni Jon ang komento ni Jelai at tuluyang nagkasagutan ang dalawa sa comment section.

“Jelai Andres di naman sa “wala”ako pero di ko malabanan mga imbento nyo eh. Pwede makipagusap privately eh bakit dito nyo pinopost? Para saan?”, sagot ni Jon kay Jelai na tila ay humihingi ng pribadong pagkakataon na magkausap at hindi sumasang-ayon sa paglalabas ng galit ng pamilya sa kanya sa social media.

Nagsalita naman si Jelai na nais lamang nitong ipagtanggol ang ate niyang kamakailan lang ay ibinunyag ang usap-usapang pagloloko ni Jon at pagkakaroon nito ng bagong kabit.


Sa twitter account ni Jon ay hinamon niya itong si Jelai na maglabas ng mga katibayan na magpapatunay na may tinatagong babae nga ito. Hiningan niya si Jelai ng account, number at pangalan ng babaeng tinutukoy nito na kabit nya.

“Anong kasinungalingan to? Pakilabas naman yung proof neto please! Gusto ko full proof with the account, number or name na reliable ah. Thanks”, paghahamon nito kay Jelai.

Isang netizen naman ang ibinunyag ang umano ay isang post na bumanggit ng pangalan ng babaeng pinag-uusapang kabit ni Jon na kalaunay nai-delete naman. Sinasabing nai-retweet pa raw ito ni Jelai bago tinggal.

“HAHAHAHAHAHA LOL HINDI YAN YON!!! SI YSKAELA ANG BABAE NI JON HAHAHA NAKAPOST YUN SA TWITTER NADELETE AGAD  YUN EH, NARETWIT PA NI JELAI AT NAGCOMMENT SABI NI JELAI ‘PAPATOL KA NALANG SA MAY ASAWA PA HAHAHAHA”, pagbabahagi ng netizeng si Sammy Nicole II.

May mga netizen naman ang ikinumpirma ang sinabi ni Sammy na mayroong nga daw talagang twitter pic ni Jon at ng binanggit na pangalan ng babae na si Yskaela.

Si Ysakaela Yaena Fujimoto ang tinutukoy nilang kabit ni Jon. Isang sikat na tiktok creator na mayroong milyon-milyong followers.

Marami naman ang hindi makapaniwala nang madawit ang pangalan ni Ysakaela.

Sa kasalukuyan ay lantad-lantad na sa social media ang away ng kilalang mag-asawa at ng tiktok creator na si Ysakaela ngunit hindi pa ito malinaw na ikinumpirma ni Jelai.

Sa kabila ng hindi pa kumpirmadong pangalan ng babae ay nagparinig naman si Jelai sa pinaniniwalaang kabit ng asawa nito sa twitter.

“If you’re having sex w/ a guy who’s married or who’s in a relationship, or trying to break a guy & his girl up regardless of how long you’ve known him, you’re the scummiest most ignorant worthless bitch on planet earth and you’re a hoe! Be careful girls coz you represent your mom”, ani ni Jelai.


Marami naman ang tila ay nag-aabang sa pagsasagutan ng mag-asawang Jelai at Jon. Habang hindi pa ito kumpirmado ay hindi naman inamin ni Jon ang pagkakadawit nito sa usap-usapang tagong relasyon nito kay Ysakaela.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment