Isang budol na naman ang naging trending na trending ngayon sa Facebook matapos mag post ng kanyang pagkadismaya ang isang graphic designer sa isang sikat na YouTube vlogger na si Jayzam Manabat.
Nagpakilala ang graphic designer sa kanyang post na si Renato Moog na siyang inirekomenda ng kaibigan ni Jayzam. Makikita sa mga screenshots ang kanilang usapan at plano ni Jayzam na magpa-design ng face mask at tumbler.
Sabi ng lalaki sa kanyang post, hindi lang daw niya dinaramdam masyado ang hindi pagsagot ni Jayzam dahil naintihan niyang busy sa vlogging at business. Ngunit hindi na nakatiis ang lalaki dahil hindi pa rin nag-reply si Jayzam sa lahat ng messages niya matapos ang dalawang linggo.
Ngayon lang naglakas ng loob na ipost ng lalaki ang mga conversations umano nila ni Jayzam Manabat tungkol sa pakikipagsundo na magpa-design na mahigit dalawang linggo na hindi siya sinagot nito.
“Ang akin lang po is kahit anong halaga ay malaki maitutulong para sa kasal ko and aminin ko, when he said yes I’m not thinking about the money,” sabi ng lalaki sa kanyang post.
“ ‘Yung exposure kung sakaling ma-print is malaking tulong sa portfolio ko knowing they are famous.”
Renato Moog: I’ve been patient and kind all throughout thinking na dahil vloggers and they have business baka busy sila and I waited for almost 2 weeks.
Pasensya Sir, wala akong balak umabot sa ganito. Hindi ko kayo kilala pero I’m posting this as a Graphic Designer and I feel disrespected,” dagdag ng graphic designer.
Maging ang girlfriend nito na si Camille Trinidad ay kinontak na rin niya at gaya kay Jayzam, hindi rin ito nag reply sa kanya. Laking pagkadismaya ng lalaki dahill sinayang lang nito ang kanyang effort at oras sa ginawang design.
Sa kabilang banda, nagpost si Jayzam ng video sa kanyang YouTube at sinabi na lahat daw ng earnings sa video na ‘yon ay mapupunta kay Renato. Sabi pa niya, inantay lang daw niyang mag reply si Renato at maaayos na ang isyu.
Agad naman nirepost ni Renato sa kanyang Facebook at nilinaw niya ito na ang lahat ng proceeds ay hindi mapupunta sa kanya, napagkasunduan na mapupunta sa mga ospital na may mga pasyenteng nangangailangan ang makakatanggap.
“I will not take down my post and he will not take down his. Parehong may natutunan, him as a client and ako on behalf ng mga kapwa ko artists,” saad ni Renato.
Nilinaw din ni Renato sa mga netizen na hindi niya habol na magpasikat or mamera. Gusto lang niyang paalalahanan ang mga kapwa artists at mga clients na maging responsable sa ganitong klase ng business.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment