Inutos ng mayor ng siyudad na i-relieve ang lahat ng pulis na naka-assign sa Police Station 5 matapos nakisali sa isang ‘April Fool’s Prank’ sa Angeles City.
Nagviral ang isang post na video sa social media tungkol sa isang prank na agad nakakuha ng atensiyon sa mga netizen.
Ang Sy Music Entertainment ang sinasabing pasimuno umano nito at matapos itong ipost ang nakunang video sa Facebook agad na nag viral at umaksyon agad ang mga awtoridad sa pangyayaring ito.
Sa video na inilabas umano noong Abril 2, tila nag-aresto ang mga mga nakaunipormeng tauhan ng isang indibidwal gamit ang opisyal na sasakyan ng Philippine National Police.
Sabi ng isang witness, nagpakilala ang mga ito na mga pulis ng Police Station 5. Pero kalaunan ay sinabing "prank" lamang ang pag-aresto.
Pansamantalang na-relive sa kani-kanilang posisyon ang mga tauhan ng Pampanga Police Station 5 at 41 na mga pulis ang nahaharap sa administratibo.
Ayon kay Police Brigadier General Valeriano de Leon, suportado nila ang desisyon ni Angeles City Mayor, Carmelo Lazatin na i-relive sa pwesto ang mga uniformed personnel.
“For more than an entire year, members of our community have tirelessly complied with community quarantine measures, ‘stay-at-home’ orders, and strict public health protocols, all in a bid to slow down the spread of the virus,” sabi ng mayor.
It is simply unconscionable that personnel from the Angeles City Police Office (ACPO) would participate in such nonsensical activities.”
“These actions are disadvantageous to the best interest of the government as it not only makes use of government property for a senseless ‘prank’ but also undermines the efforts of the entire local government unit to implement public health protocols.”
“This is not the kind of conduct that the public deserves from their police officers,” dagdag ng mayor.
Sinabi rin ni General de Leon na hindi nila pwedeng hayaan lang ang ganitong mga misconduct at misdemeanor galing sa kanilang mga personnel lalo na sa panahon ng pandemic.
Matandaang muling ibinalik ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas mahigpit na quarantine rules sa Manila at ang mga iba pang malalapit na lugar bunsod ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment