Ikinasal na umano sa isang pribadong sermenonya sa Las PiƱas ang kilalang PBA player mula sa kuponan ng Ginebra na si Scottie Thompson nito lamang unang linggo ng buwan ng Hunyo.
Ikinasal si Thompson kay Jinky Serrano, isang dating flight stewardess mula sa Pampanga na may-ari na rin ngayon ng ilang mga beauty clincs doon. Ayon sa ulat, si Thompson umano ang may gusto na tumigil na ang maybahay na nito ngayong si Serrano mula sa pagiging isang flight stewardess.
Ikinagulat naman ng marami ang balitang ito lalo na ang mga sumusuporta kay Thompson. Bagama’t masaya ang mga ito para sa bagong yugto sa buhay ng professional basketball player, mayroon ding iba na hindi maiwasang malungkot lalo na’t bago ang kasal ay kakahiwalay pa lamang umano ni Thompson sa dati nitong fiance.
Kung matatandaan, Enero ng kasalukuyang taon nang maging trending si Thompson at dati nitong karelasyon na si Pau Fajardo dahil sa kanilang engagement. New Year’s eve noon nang magpropose si Thompson sa huli.
Bago ito, walong taon na naging magkarelasyon ang dalawa kaya ganun na lamang naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa kanila umanong hiwalayan na napabalita nito lamang Abril, humigit kumulang tatlong buwan matapos ang kanilang engagement.
Dahil sa tagal ng dalawa at dahil na rin sa mga sumubaybay sa kanilang relasyon ay inakala ng marami na hindi pa huli ang lahat sa mga ito at pupwede pa silang magkabalikan.
“Ako ‘yung dahilan bakit kami naghiwalay. Nagkamali ako. Magpapakalalalaki ako, tatanggapin ko lahat ng ibabato ninyo sa akin na masasakit na salita,” ang minsang ani pa nga raw ni Thompson tungkol sa hiwalayan nito at ng kanyang long-time girlfriend na fiance na rin.
Kaya naman, ganun na lamang ang gulat ng marami sa balitang ikinasal na si Thompson, ngunit hindi kay Fajardo. Marami sa mga ito ang nalungkot, nanghinayang, at hindi maintindihan kung paano umano ito nangyari.
Dahil dito kaya agad naging trending ang naturang balita at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen. Hati ang opinyon ng mga ito kung saan, mayroong iba na nakikisimpatya kay Fajardo habang mayroong iba naman na piniling intindihin ang desisyon ni Thompson at maging masaya na lamang para sa kanyang pagpapakasal.
Heto nga ang ilan pa sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen tungkol dito:
“I felt unhappy because of this issue. Ba't ganun… I know napakahirap itong tanggapin sa side ni ate Pau. I pray and hope na maging okay si Ate Pau. It really breaks my heart.”
“‘Yung di n’yo naman alam ano talaga tunay na dahilan, tapos kay Scottie lahat ang sisi. Bakit? Lalake lang ba pwede manloko at maging dahilan ng pagkasira ng isang engagement? Wag manghusga agad. Parang basketball din yan!! Bilog ang bola ika nga!!!”
“GG na. Sinuportahan ka ng taong minahal ka sa ‘yong pagsisimula hanggang sa makilala ka. Nagpropose sa kanya, pero sa iba ang punta. Idol Scotiie, anyare?”
“My heart goes to Pau. Hope maka-move on siya agad. Knowing this happened to a faithful girl, awit! Sa kanya nagpropose, siya din ‘yung pinakilig, pero sa iba agad kinasal. Namatayan siya ng puso.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment