Kinagigiliwan ngayon ng mga netizen ang isang Facebook post na kalat na kalat ngayon sa social media matapos ang nakakatawa at nakakakilig na simula ng kanilang love story.
Marami ang natuwa sa mag-asawang Jolo Sudalio Argales at Rain Capuyan Argales na kinaaintigan ang kanilang "tabo love story."
Ayon kay Jolo, nagsimula ang kanilang love story nang si Rain Capuyan na ngayon ay misis na niya ay nanghiram ng tabo sa kanya siyam na taon na ang nakalipas sa Dulag, Leyte.
Sa naging panayam ng isang news personality ng Tacloban na si Jake Tatoy, estratehiya lang umano ni Rain na manghiram ng tabo kay Jolo para mapansin siya nito.
Sabi pa ni Jolo na ang gusto sanang kilalanin nito ay ang pinsan ni Jolo na umano'y isang model sa Cebu. Kaya gumawa ng paraan si Rain para mapansin siya sa pinsan ni Jolo at ang naisipan niya ay ang manghiram ng tabo.
Ngunit nang nahiram na niya ang tabo, agad nakuha ang atensyon sa kagwapuhan ni Jolo at dito na unti-unting nagsimula ang kanilang love story.
Nacurious umano si Rain dahil parating isinasama si Jolo ng kanyang room mate sa Dulag at dumating sa punto na inaasar na sila ng kanilang mga kaibigan.
Hanggang sa nagbunga din ito at tuluyang nagkaroon ng relasyon ang dalawa.
Sinabi ni Jolo na wala na siyang hahanapin pa kay Rain. Si Rain ay family oriented, mabait at mahaba ang pasensya.
"Family oriented [hi rain], haros waray na masalin para ha iya makabulig la ha iya pamilya. Buotan la ha iya pamilya pero ha iya friends. Magpasensya. Halaba it pasensya. Ha amo pag-upod very rare lang mag-isog. At mapagmahal ha ak ngan ha amon anak," sabi ni Jolo.
Si Rain at Jolo ay kasalukuyang kasal na at nabiyayaan sila ng dalawang at sila ay doon na bumuo ng kanilang pamilya sa Cebu.
Sa mismong lugar sa Cebu rin nakakita ng trabaho si Jolo na isang sterilization technician sa isang ospital at Supervisor naman si Rain sa isang call center company.
Marami sa mga netizen ang natuwa at kinilig sa nasabing post at nagbigay din ng kani-kanilang mga komento.
Heto ang ilan sa mga komento:
"Hiram na pag-ibig" ang pwedeng ititle dito."
"Sinong gusto humiram ng tabo? Punta lang dito sq bahay."
"Haha ang nice nito, tabo lang pala ang teknik.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment