Kilala talaga ang mga Pilipino sa pagiging magiliw sa mga dayuhan. Ang pagiging maasikaso ay naging parte na ng kultura nating mga Pilipino. Hindi rin maipagkakaila na marami ang nahuhumaling na mamasyal sa mga kilalang tourist destination sa Pilipinas kaya kung ganun na lang karaming mga dayuhan ang makikita sa Pilipinas.
Ngunit sa gitna ng pagiging magiliw, nakakalungkot lang isipin na may mga kumakalat na balita na may iilan na inaabuso ang kabaitan ng mga dayuhan.
Kadalasan sa mga napabalitang nanloko ng mga dayuhan ay ang mga Pinay na pilit naghahanap ng instant ginhawa sa buhay kaya kung ganun na lang ang kanilang pagsusumikap na makuha ang atensyon ng ilang mga dayuhan (ito ay base sa isang pananaliksik).
Kapag nakuha na nila ang kanilang gusto ay iiwan na lamang ang mga ito at parang mga ligaw na aso na hindi alam kung saan pupunta pagkatapos lokohin ng kanilang mga amo.
Marami na ang mga ganitong klase ng pangyayari ang kumalat na rin sa social media. Naiwang walang wala ang mga foreigners dahil sa mga panloloko ng ilan sa mga taong hangad lang ang instant gratification.
Ang modus na ito ay ginagawa ng ilang mga Pinay sa mga dayuhan na iniisip na alam nilang may mabuting trabaho at malaki ang kinikitang pera.
Katulad na lamang sa nangyari tungkol sa isang Facebook post na na naitampok sa ‘Heaven Elements” nitong Mayo 23. Ayon sa post ng netizen, mayroon siyang na-ispatang dayuhan na na matagal na namamalagi sa Pilipinas matapos lokohin at nakawan ng di kilalang tao.
Siya si mike. maraming taon na sya dto sa pilipinas. Nkakaawa ѕуα. Nαloko αt nαnαkαwαn ѕуα. pwede pa paki share naman para maka balik na sya sa pamilya nya plsss lang. Paki share naman para matuluNgan ѕуα,” ayon sa naturang post ng Heaven Elements.
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:
“Bakit kc may mga babae na yayain nla mag ponta dto tapos pagdating dto iiwan lang din hndi na sila naÃ¥wa.”
“Lead him to the embassy of what is his nationality, so that he can go home,calling the attention, authority to help Foreigner’s pls help him have pity”
“Ask him kung saang Bansa xa nanggaling nlang po pra matulungan ng Embassy nila..Yan Lang ung solution sa problema.. Tutulungan yan xa ng embassy na Makauwi sa family nya.”
Marami pang mga istorya ang kagaya sa nangyari kay Mike. Marami ang naniniwala na kapag ang isang Pinay ay naikasal sa isang dayuhan, hirit ng lipunan ay isa na namang Pilipina ang nakaahon sa kahirapan.
Ngunit ang lahat ng ito ay pawang sabi sabi lamang. Marami namang iba diyan na nakahanap ng kanilang pagmamahal sa isang foreigner na ang tanging hangad lamang ay magkaroon ng pamilya at simpleng buhay.
Sa istorya ni Mike, masakit isipin na ganito ang kanyang dinanas. At sa taong nanloko kay Mike, hindi kailanman nakakatulong ang panloloko at panlalamang sa isang tao.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment