Punong puno ng pambabatikos ang isang TV host at aktres na si Bianca Gonzalez mula sa ilang mga netizen matapos ang kanyang naging komento sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo 2020 Olympic Games.
Hindi nagustuhan ng maraming mga netizen ang pahayag ni Bianca na tila ginagawang gender-equality issue ang tagumpay ng mga babaeng atleta sa ginaganap ngayon na Olympic Games.
Si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng gold medal sa Pilipinas matapos siyang nagkampeon sa weightlifting competition at tagumpay na naalsa ang total weight na umabot sa 224 kg noong Lunes lang sa Tokyo International Forum.
Matapos inanunsyo ang pagkampeon ni Hidilyn sa weightlifting, nagdiwang ang buong Pilipinas sa tagumpay ni Hidilyn at maraming mga netizen kabilang na ang mga local celebrities ang bumati sa binansagang weightlifting fairy. Kasama sa mga bumati kay Hidilyn ay si Bianca Gonzalez na agaw pansin ng marami ang kanyang naging komento sa pagkapanalo ni Hidilyn.
Nag trending ang pots ni Bianca nang nilagay niya sa kanyang post na, “BABAE!!!!!! ABANTE BABAE!!! MABUHAY HA HIDILYN!!!!!!”
Bukod kay Hidilyn, binati rin niya ang isa pang Filipina na sumalang sa featherweight boxing na si Nesthy Petecio na umabot hanggang semifinals sa Tokyo 2020 Olympics.
Sabi ni Bianca sa kanyang tweet, “Isa paaaaa!!!! ABANTE BABAE!!!”
Dahil sa kanyang naging komento, maraming mga netizen ang pinagsabihan ang TV host na hindi raw dapat na gamitin ang kataga na, ABANTE BABAE!, ang dapat kasi raw ay ABANTE PILIPINAS! Ganitong klaseng pagpapahayag raw kasi ay kalimitang naging ugat ng diskriminasyon sa mga kababaihan.
“Kaya dini discriminate mga babae dahil puro kayo kayo rin mismo ginagawa nyong issue pagiging babae,” sabi ng isang netizen na nagkomento sa naging pahayag ni Bianca.
Hindi naman hinayaan ni Bianca at nagbigay agad siya ng paliwanag sa kanyang komento tungkol sa pagkapanalo ng isang babae sa 2020 Tokyo Olympics Games. Paliwanag niya rito, “Kapag sinabi naming Abante babae hindi ibig sabihin na babae lamang ang dapat umabante.
“Ilang daang taon na ang kalalakihan ang nabibigyan ng mga oportunidad kaya’t kapag may babaeng nagtatagumpay, ipinagbubunyi natin para mas marami pang kababaihan ang mapagbigyan,” paglilinaw pa ni Bianca.
Aniya pa, “It’s this narrative of ‘kaya dini-discriminate ang mga babae dahil ginagawa ninyong issue ang pagiging babae’ that keeps us from reaching true gender equality.
“We push for women’s empowerment precisely because TOO MANY WOMEN feel like they have no voice and are put into this box.
“Men can be true allies by supporting, encouraging and empowering the women in their lives to do what they want and dream big dreams.
“Hindi yung, ‘eto ka lang kasi babae ka lang.’ Hindi kami ‘babae lang.’ BABAE KAMI,” aniya pa.
Ni-repost din ng TV host ang tweet ng isang netizen na nagsabing ang dating sa kanya sa tweet ni Bianca ay para umanong nakikipag kompetensya sa mga lalaki.
Agad naman ito sinagot ni Bianca ang naging puna ng netizen sa kanya. Sabi niya, “Just because we want to empower women, does not mean that we want to ‘disempower’ men.”
Si Bianca Gonzales ay isang sikat na TV host at model. Siya ay kasal sa isang sikat na retired PBA player na si JC Intal.
Ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ay nagbigay isang napakalaking karangalan sa ating bansa matapos niya inuwi sa Pilipinas ang kauna-unahang gold medal mula sa Tokyo 2020 Olympic Games sa loob ng 97 years na paghihintay.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment