Sa panahon ngayon, kalat na kalat na talaga lalong lalo na sa social media ang mga fake news na kahit hindi naman talaga nangyari o naganap ay pilit pa rin ginagawan ng istorya ng ilang mga netizen ang isang tao para lang may maipagkalat na tsismis at marahil, para na rin mag trending.
Katulad ng nangyari na usap-usapan na ngayon sa social media ang isang sikat na dancer-choreographer na si DJ Loonyo na napagkamalan ng marami na iniinsulto umano si Hidilyn Diaz. Marami kasi umano ang nagkalat ng kanyang litrato na may quote card tungkol sa kanyang pahayag umano sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa weightlifting sa ginaganap na Tokyo 2020 Olympic Games.
“CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO!”
Ito ang statement na nakalagay sa quote card ni DJ Loonyo kasama ang litrato ng kauna-unahang gold medalist sa 55 kg Weightlifting sa ginaganap na Olympic Games na si Hidilyn Diaz.
“Fake news!” ang galit na galit na pahayag ni DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa totoong buhay, laban sa mga taong nagpakalat ng nasabing Facebook post.
Ayon kay DJ Loonyo, hindi raw nanggaling sa kanya ang mismong pahayag at lalong lalo na hinding-hindi nanggaling sa kanya ang statement na “toxic Filipino” si Hidilyn matapos nito nagbigay ng malaking pride sa ating bansa nang itinanghal siya bilang gold medalist sa weightlifting event.
Narito ang nakasaad sa Facebook page na may account name na “Bakkler”, “CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO.
“PEOPLE NOWADAYS NGA NAMAN MAS PIPILIIN ANG EASY MONEY KAYSA MAGTRABAHO NANG MARANGAL. YUNG IBA DYAN KAYOD-KALABAW TAPOS IKAW UMAASA LANG SA BIGAY?”
Hindi naman ito pinalampas ng nasabing dancer at binigyang linaw agad niya ang naturang fake news, “Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA).
“HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY! ANG TANONG SINO BA TALAGA ANG BOBO?
“Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng BOBO, BOGO, kala mo talaga kung sino.
“Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo,” ang reaksyon pa ng dancer.
Pahiwatig pa niya, tulad ng halos lahat ng Pinoy sa buong mundo, sobrang proud siya sa makasaysayang pagkapanalo ni Hidilyn.
“PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSA.
“IDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?” aniya pa.
Dagdag pa ni DJ Loonyo, “ANYWAYS, ILANG TAON NA DIN AKONG NAGREPRESENT NG BANSA SA LARANGAN NG SAYAW, NAKAPAGDALA NG GINTO (DANCESTAR WORLD CHAMPIONS, CROATIA) WITHOUT ANY SUPPORT FROM THE GOVERNMENT.
“SARILING SIKAP AT SAKRIPISYO, PURONG PANANAMPALATAYA SA TAAS. GOD BLESS Y’ALL!”
Ang mga netizen na mahilig kumuha ng mga sources online, siguraduhin na munang credible ang sources sa kinukuhanan ng impormasyon. Bilang isang netizen, nararapat lang na alam ng isang tao ang tinatawag na social media literacy.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment