Sunday, July 25, 2021

Isang Albularyo, Meron ng Online Consultation; Simbahan, Binabalatan ang mga Tao sa Epekto ng Online Consultation na Ito


Bawat buhay ng isang tao ay mahalaga kaya ganun na lamang ang ating pag-iingat pagdating sa ating kalusugan. Ito ay maituturing nating kayamanan na rin dahil ito ang ating puhunan sa araw araw na ginagawa natin.

Sa panahong nagkaroon ng tinatawag nating "sudden shift" dulot ng pandemya, maraming mga tao ang nangamba ng pumunta sa mga ospital para magpakonsulta. 

Dahil nasa panahon tayo na kung saan malakas at talamak ang paggamit ng teknolohiya, nauuso na ngayon ang pagkakaroon ng online consultation. Meron ng mga online sites na ginagawa ang mga doktor na kung saan pwede na ang mga taong magpakonsulta na hindi na nangangailangan na pumunta pa sa ospital.

Sa mga lugar na kung saan nauso ang mga "faith healers" at "quack doctors" na siyang mas pinaniniwalaan ng mga tao na nakakapagpagaling sa mga karamdamang dinadala nila. 

Dulot ng makabagong mga teknolohiya, hindi lang amv tunay na doktor ang mayroong tinatawag na online consultation kundi pati na rin ang mga albularyo.

Isa si Norma Hernandez sa mga kilalang albularyo sa lugar nila sa Rizal.

Nang nagkasakit daw ang isang ginang na nagpakilalang si Maricar Cruz. Ayon kay Maricar, sumakit daw ang kanyang tenga na may kasamang lagnat. At dito naisipan na lamang niyang doon na lamang magpakonsulta kay Hazel dahil wala rin siyang perang pampa hospital. 

Sa pagsusuri niya kay Norma, mayroon daw engkanto na nagkakagusto kay Maricar at ang naturang engkanto ay naninirahan lamang sa puno malapit sa bahay nila ni Maricar. 

Kwento ni Maricar, ramdam na ramdam niya ang enerhiya nang gamutin siya ng albularyo. 



Bago raw sumama ang pakiramdam ni Maricar, nanghilamos at nagbuhos siya ng tubig sa labas ng kanilang bahay nang madaling araw. 

At nung pumasok na siya sa kanilang bahay, dito raw napansin ni Maricar na tila ba masama na ang kanyang pakiramdam.

Ang panggamot umano ni Norma ay dinadaan na rin nia via "online consultation" na kung saan nagpapadala na lang ng mga mensahe ang kanyang mga pasyente sa pamamagitan ng social media.

Kasunod nito, nagkausap na ang dalawa sa pamamagitan ng video call.

"Kahit saang lupalop ka ng mundo, maabot ka ng kapangyarihan ng Diyos. Isipin mo, gadget to gadget, hindi kita hinihipo paano ka gumagaling? Ibig sabihin, may milagrong nangyayari," paliwanag niya.

Ang taglay na kapangyarihan ni Norma ay nanggaling pa umano sa kanyang lolo na minana pa niya mula rito. At ang sabi niya, ang kapangyarihan niya umano ay mula sa kapangyarihan ng Diyos. 

Hanggang may isang pasyente na naman si Norma na nagngangalang Kyla ang labis ang pagka kuryuso na masubukan ang online consultation ni Norma. 


Laking gulat ni Kyla nang malaman umano ng albularyo ang nangyari sa kanyang mister. Nalaman niyang namatay ang mister ni Kyla habang nasa construction worker ito. 

Naramdaman daw ni Kyla na sumanib sa kanya ang kaluluwa ng kanyang mister kaya napaiyak na lamang siya habang nag uusap sila online. 

Ngunit, may paalala ang mga alagad ng simbahan tungkol sa ganitong mga klaseng panggagamot at sa mga sinasabing medium sila ng mga kaluluwa ng mga taong pumanaw na. 

Sinamahan naman si Maricar na magpatingin sa espesyalista para malaman talaga kung ano ang kanyang sakit. Umayon naman siya na magpakonsulta at  nang sabihin sa kanya ng doktor ang kanyang sakit, tatanggapin ba ito ni Maricar? Panoorin ang buong video sa istorya

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment