Sunday, July 25, 2021

Ara Mina, May Ibinunyag sa Buhay May Asawa: "Di Ako Makapaniwala…"


Isa sa pinaka exciting at maituturing din na nakaka panibagong yugto ng buhay ng buhay ng tao ay ang pagpapakasal na kung saan kailangan na ng isang tao na bumuklod sa kanyang pamilya upang bumuo na rin ng kanyang sariling pamilya.

Ang pagpapakasal ay isang sagradong bagay na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan kapag buo na ang kanilang desisyon na magsama sa iisang bubong. 

Gaya ng sabi nila, maraming mga pagsubok ang darating sa buhay ng isang bagong kasal at kahit pa mg umabot na ng tao na nagsama sa isang bahay. 

Nitong mga nakaraang araw lang ay kalat na kalat sa social media ang mga photos ng isang sikat na artista sa kanyang bridal gown na si Ara Mina. Marami ang namangha sa pagka ganda ganda ng kanyang bridal gown at pati na rin ang pagka disenyo nito. 

Ngayong kasal na ang aktres, ibinahagi niya ang mga bagay na nagbago simula noong nagsama na sila ng kanyang mister na si Dave Almarinez. 

Isa sa pinaka malaking pagbabago na naranasan niya ay ang kanilang complete relocation san sa San Pedro, Laguna kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-asawa.


“Umuuwi naman na ako do’n, so aayusin na namin yung bahay sa Laguna kasi yung ibang gamit ko hindi pa kumpleto do’n. Hindi rin kasi ganun kadaling maglipat so uunti-untiing ayusin pa,” sabi ni Ara Mina.

Ibinahagi din ng aktres ang isa sa kanilang mga plano ay ang plano nilang  mag asawa na magkaroon ng baby agad agad.

“Magha-honeymoon muna kami. Medyo mahaba ang break ko sa Ang Probinsyano. We’ll try to have a baby this year,” paliwanag ni Ara.

Aminado naman ang aktres na silang dalawa ng kanyang mister ay humaharap ngayon sa mga panibagong pagsubok dulot ng married life. Kaya ganun na lamang ang kanilang pag gugol ng oras  para sa magkaroon ng quality time sa isa't isa. 

with each other. “Kagagawan naman namin ng paraan (ang oras). Ano lang naman yon, time management,” batid ng aktres. 

Kamakailan lang sa naging panayam ng aktres sa Philippine Star, sinabi ni Ara na silang dalawa ng kanyang mister ay sinubukang mag work out lahat ng bagay without compromising.

“Pag love mo yung ginagawa mo at love mo ang tao, siyempre may asawa ka na, magagawan mo ng paraan lahat ng bagay kung paano i-manage,” aniya. 


Dagdag din ng aktres na tinupad ni Dave ang pangarap  niyang married life. Kaya ganun na lamang siya ka willing na suportahan ang kanyang mister sa lahat ng bagay. 

Ayon sa mga ulat, si Dave Almarinez ay president at CEO  ng Philippine International Trading Corporation (PITC) with the rank of undersecretary at nakatira sa San Pedro, Laguna.

Si Hazel Pascual Reyes-Almarinez ay isang aktres, singer, endorser at entrepreneur. Kilalang kilala siya sa pangalan na Ara Mina. Marami na rin siyang mga pinagbidahan na mga pelikula at dito pa mas nakilala ng mga tao ang aktres.

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment