Saturday, July 24, 2021

Isang Nakakapangilabot na Bagay na Lumulutang sa Dagat, Dahilan ng Pabalik Balik na Sakit ng mga Tao sa Cebu; Alamin Dito!


Maraming mga paniniwala ang mga sinaunang mga tao noon na ayon pa sa kanila ay hindi lang tayo ang nabubuhay na nilalang sa mundong ibabaw. May mga kasama tayo na hindi iba pang nilalang na hindi katulad natin. 

Punong puno ng mga nakakapangilabot na kwento ang maririnig mula sa ating mga lolo at lola na siyang nagpapabuhay muli ng ganitong mga paniniwala na maging sa kasalukuyan ay makikita pa rin natin ang mga ganitong paniniwala.

Samu't saring mga istorya na ang ating mga naririnig mula sa mga matatanda na inuulit ulit nilang totoo talaga ang mga para sa atin ay kwento kwento lang. 

Kagaya na lamang ng pinagkakaguluhan na post ngayon sa social media tungkol sa isang kakaibang bagay na ito raw ang nagmistulang dahilan kung bakit marami ang nagkasakit sa panahon ngayon. 

Isang babae na nagngangalang Alyssa Montejo Casas ang nag post ng isa umanong awareness sa social media matapos sa kanyang na obserbahan na maraming mga tao ang nagkakasakit, gagaling naman daw ngunit pabalik balik ang sakit. 

Sa kanyang post, may namention siyang isang bagay na tinatawag na "bahtang" na tinutukoy niya na dahilan umano ng ganitong pangyayari ngayon. 

Sa mga hindi nakakakilala kung ano ang bahtang, ito ay isang kahoy na palutaw lutaw  sa dagat ngunit ayon dito ang kahoy na ito ay barko daw talaga ng mga nilalang na hindi gaya sa atin. 

Ang sumpa daw nito ay maglagay ng puting tela sa labas ng bahay at punit punitin ito. Kung ilan kayo sa bahay, ay iyon din raw ang bilang ng tela na ilalagay sa labas ng bahay. 


Sinabi ni Alyssa na ito raw ang sabi ng kanyang lola dahil ito ay nangyari na noong unang panahon at sabi pa niya na totoo talaga dahil may nakita siyang puting tela sa labas ng bahay ng kanyang lola bilang sumpa sa ganitong sitwasyon. 

Basahin ang buong post ni Alyssa sa kanyang Facebook account:

"About sa chika ron nga bahtang ba mao daw nay reason ron ngano daghan na sakit2. Tuod maayo pero mag balik2 ang hilanat, ubo og sipon. Sa wala kaila kung unsay bahtang, kahoy daw ni nga mag lutaw2 sa dagat pero barko jod daw nis dili ingon nato. Ang sumpa daw ana kay mag butang mog puti nga panapton sa gawas sa inyong balay og gisi gision ang panapton kung pila mo kabuok sa inyong balay aron di sila ka lahos sa inyong pultahan. Mao ni ingon sa akong lola kay nahitabo na daw ni sauna sa ilang panahon og tinood jod nakakita kos balay sako lola naay puti na panapton nga dugay na kaayo gi lawa-lawa nalang mao diay kay naka experience sila sa gitawag nga bahtang. 


FOR AWARENESS LANG NI HA! WAY MAWALA KUNG KITA MO TUO. AMPING TANG TANAN INUBANAN SA PAG AMPO. INFORM YOUR FRIENDS & FAMILY ARON MAKALIKAY POD SILA."

"Last , May ni dunggo sad na ang bahtang dri sa baybayon dapit sa amua , Grabi ang suka kalibang sa mga taw dri gyud, then tinuod gd nang tela nga puti ibutang sa pultahan ky mao nay sumpa nila . after pila 5 days ata to baybayon nawala ra sya . Wa guy mawala if mutuo ka!"

[Last, merong dumunggong bahtang malapit sa amin. Grabe ang pagtatae at suka mga tao dito. Then, totoo talaga ang tela na piti na ilagay sa pintuan dahil ito yung sumpa. Matapos ang limang araw siguro yun, nawala na lang siya. Walang mawawala kung maniniwala ka]

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment