Maraming mga naging espekulasyon tungkol sa kontrobersyal na hiwalayan ng celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na naging "talk of the town" ngayon sa social media.
Matapos madawit ni JM de Guzman at naituro pa bilang third party umano sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, marami ang nakapansin na tila hindi naman apektado ang nasabing aktor. Wala rin siyang binigay na komento tungkol sa isyung kinasasangkutan niya umano at makikitang masaya siya sa kanyang buhay ngayon.
Kamakailan lang ay nag trending ang ang isang video na kung saan makikitang magkasama sina JM de Guzman at ang dating girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy.
Mas pina thrill pa nila ang mga netizen nang hindi nila ipinakita ang video sa kasunod pang mga clips nito. At sabay cut sa video kung saan lumapit si Crisha Uy kay JM de Guzman.
Marami ang nagpahayag ng kanilang mga komento at nabitin sa ginawang pampakilig ng dalawa na sina Crisha Uy at JM de Guzman.
Giit pa ng marami na nakapanood ng kanilang video ay sinasabi nilang may relasyon ng namumuo sa dalawa. Nalaman din ng iilan na ipina tattoo ng aktor ang pangalan umano ni Crisha Uy.
Sa kanang braso ng aktor ay makikita ang tattoo na may initials na "CU" na kung saan hinala ng marami na ito ay ang initials ni Crisha Uy.
“OMG!!! Feeling ko sila hahahahahaha yung sa last part kiniss ni JM for sure,” comment ng isang Instagram user.
Matatandaang unang nakita ang dalawa na magkasama sa iisang video nang lumabas ang aktor sa vlog ni Crisha Uy kung saan ang aktor umano ang partner niya para sa training sa self-defense.
Galing sa long term relationship ang aktres na si Crisha Uy sa kanyang ex boyfriend na si Joem Bascon. Walong taon din nagsama ang dalawa bago ito opisyal na naghiwalay noong 2019.
Inamin ni Crisha Uy na sobrang nasaktan siya sa ginawa ni Joem sa kanya. Batid ng akres, ang galit at ang feeling na bine betray ka ng taong mahal mo at nagsinungaling pa ay hindi madaling tanggapin.
Plano sana nilang dalawa na magpakasal muna ni Joem Bascon bago bumuo ng pamilya. Ngunit, nagpasalamat pa rin siya kahit hindi natuloy ang kanilang plano, dahil alam niyang hindi sila meant to be ni Joem.
Si JM de Guzman ay isa sa mga batikan na aktor sa larangan ng pag acting. Si JM ay isa sa mga kinagigiliwang aktor sa pelikulang "Init sa Magdamag" na tiyak na nagpapainit talaga sa mga puso ng mga manonood.
Ito ay umiikot sa kwento ni Rita (Yam Concepcion) na may dating relasyon kay Tope (Gerald Anderson) at pinakasalan si Peterson Alvarez (JM de Guzman). Ito ay tungkol sa kung ano ang kaya mong isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment