Kilala si Scottie Thompson bilang isang sikat na PBA player at marami ang kilig na kilig sa relasyon nila ni Pau Fajardo na matagal na niyang naging karelasyon. Marami ang sumubaybay sa sweetness at kilig ng dalawa sa social media at maging sa reyalidad.
Ngunit nitong mga nakaraan lang,naglabasan ang mga balitang hiwalay na daw sila ng kanyang long time girlfriend at bungad pa nito na nagpakasal na raw sa iba si Scottie Thompson.
Marami ang nagulat sa naging rebeleasyon ni Scottie matapos nagpropose sa kanyang fiancé na si Pau Fajardo ngunit sa iba lang din naman ito magpapakasal.
Buong akala na ng mga sumusubaybay sa love story nila ni Scottie at Pau na sila na talaga ang magkakatuluyan hanggang dulo. Dahil bukod sa matagal na sila, nag propose na umano su Scottie sa kanyang long time girlfriend.
Si Scottie Thompson ay naiugnay sa isang babae na nagngangalang Jinky Serrano na isang flight attendant.
Ayon sa mga naging espekulasyon ng mga netizen lalong lalo na sa fans nina Scottie at Pau, ang pagkabuntis daw ni Jinky ang siyang dahilan ng kanyang bilisang pagpapakasal.
Ayon din sa mga ulat, nangyari ang kanilang kasal matapos lamang ang dalawang buwan.
Sa kasalukuyan, hindi pa nagbigay ng kanilang statement ang magkabilang panig at inamin naman ni Thompson na official na talagang wala na sila ni Pau Fajardo.
Marami ang hindi nagustuhan ang nasabing hiwalayan nina Scottie at Pau. Hindi nakapagpigil ang ilan sa mga netizen at nagbigay ito ng kani-kanilang mga komento.
Kahit marami man ang naging tutol sa relasyon nila ni Scottie Thompson at Jinky Serrano, hindi nagpadala ang PBA player sa mga opinyon ng tao sa kanila.
Sa unang pagkakataon, ipinakita na ni Scottie Thompson mismo sa kanyang Instagram account ang kanyang misis na si Jinky Serrano.
Marami ang kinilig sa naging Instagram story ni Scottie matapos ang pinost niyang video. Makikitang naghihiwa ng steak ang kanyang asawa at tinawag ni Scottie na "love" para tumingin ito sa camera at tumingin din naman si Jinky.
Si Earl Scottie Carreon Thompson ay isang Filipino professional basketball player para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association.
Nagsimula siyang maglaro ng basketball habang siya ay elementary pa lamang at naging bahagi siya ng Palarong Pambansa bilang kinatawan ng Region XI noong siya ay nasa High School na. Napili din siyang mapasama sa Nike Elite Camp.
Samantalang si Jinky Serrano ay isang stewardess na laking Pampanga. Ngunit naibalita na rin na nag resign na si Jinky sa kanyang trabaho dahil ito umano ang naging pakiusap ng kanyang mister sa kanya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment