Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang resulta ng lie detector tests ng mga taong sinasabing sangkot sa nawalang cellphone ng isang TikToker na si Hazel Edep na kamakailan lang ay naging kontrobersyal matapos niyang pinakulong si Angelo Martin Amor, lalaking nagsauli umano ng kanyang cellphone.
Sa post ni Hazel sa kanyang TikTok video, sinabi niya dito na nawala ang kanyang phone kaya nanawagan siya ng tulong sa lahat ng makakita ng kanyang cellphone at sinabi pa niyang bibigyan niya ng reward ang sinumang makakita at magsauli ng kanyang cellphone.
At nitong nakaraang araw lang ay may lalaking nakapulot ng kanyang cellphone na nagngangalang Angelito Martin Amor. Nagpakita si Hazel kay Martim para kunin yung cellphone at ibinigay naman daw ang pangakong reward. Ngunit nang tinanggap na ng lalaki ang reward, agad siyang pinusasan at sentence to prison daw dahil sa 'ROBBERY EXTORTION'
Kasunod ng pangyayaring ito, nagpost ang kapatid ni Martin at sinabi niya rito na isang hamak lang na tricycle driver ang kanyang kapatid na nagmamalasakit lang kay Hazel.
Sa programang Raffy Tulfo in Action, dito na nagkaalaman ang lahat kung totoo ba talaga ang mga pinagsasabi ng mga taong sangkot sa nawalang cellphone ni Hazel.
Sa tanong na, “Kasinungalingan lang ba na bumili kayo ng karaoke noong araw na iyon noong July 14, 2021”? Nagkatugma naman ang naging sagot ng ng tatlo sa truth verifier system.
“Sabi ng truth verifier, truthful kayong lahat,” paglalahad ni Raffy Tulfo.
Pangalawang tanong naman ay tinanong sila kung gawa-gawa lang ba nila ang salaysay na sa taxi nila ito nakuha o napulot ang Iphone ni Hazel, sa pagkakataong ito, tugma pa rin ang kanilang naging sagot sa lie detector.
Sa pangatlong tanong, tinanong sila kung sila ba ang nag text sa number nila ni Hazel at boyfriend nito na magbigay ng reward. Sinagot nilang tatlo nang sabay sabay na “no.”
“Anabelle, truthful ka. Rea, truthful ka. Jomar, lie ka,” pahiwatig ni Raffy Tulfo sa naging resulta ng truth verifier sa katanungang ito.
“Ikaw ba ang nag demand na magbigay ng reward dahil galing sa stroke si Angelito,” tanong ni Raffy Tulfo.
Sa pagkakataong ito, si Rea lang ang truthful at sina Jomar at Anabelle ay parehong lying.
Tanong: Gawa gawa mo lang ba na galing si Agelito sa stroke?
Raffy Tulfo: Anabelle, truthful. Jomar, truthful. Rea, truthful.
Tanong: Hiniling nyo ba talaga na dapat ang katumbas na reward ay kung magkano ang halaga ng Iphone (which is pumapatak sa 50K)?
Sa pagkakataong ito, truthful ang naging resulta sa truth verifier sa pagsagot nila ng no sa nasabing panghihingi ng katumbas na 50K sa nawawalang cellphone.
Sa puntong ito, inaalam naman ang resulta ng lie detector nila ni Hazel Edep at Boss Choy.
Sa lahat ng naging katanungan ng mag jowa na si Hazel at Boss Choy, walang lie ang na detect ng truth verifier. Ibig sabihin nito, tama at totoo lahat ang sinasabi ng dalawa.
Binigyang linaw pa ito ng Chief Polygraph Examiner, Truth Verifier Systems, Inc., na sa panayam niya kay Jomar nadulas daw ito verbally. May sinabi ito sa kanya na nagpanggap daw sila bilang kapatid ni Angelito.
“Well, nireview ko po yun sa mga previous footages, in fact, yung sa mga earlier shows niyo, never po niyang-inadmit sa inyo, sa on air na siya yun...Pero during the previous interview, sir, nadulas po sa’kin yun, paliwanag ni Chito.
“Idol Raffy, hindi po ako nadulas. Talagang sinabi ko po sa kanya yun. Kasi totoo po na nagpanggap po ako na sabi ko di ako nagpanggap, kundi ang sinabi ko kapatid ko si Angelito…” pahiwatig ni Jomar.
Marami naman ang nagbigay agad ng kanilang mga reaksyon at komento tungkol sa naging resulta at naging basehan ng pag alam kung nagsabi ba talaga ng katotohanan ang bawat panig.
Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen:
“Wag muna po tayo manghusga sa una dahil sa huli naman po lalabas ang totoo since this start wala akong kinakampehan dahil di naten alam ang totoong istorya.”
“Hindi naman yan katunayan na lying talaga ang tatlo. We’re just judging people bc of this lying detector test.”
“Mas mabigat pala ang feeling ng nagsisinungaling.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment