Monday, August 2, 2021

Living Legend sa Weightlifting, Viral Ngayon sa Social Media; Sino Siya? Kilalanin!


Ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa weightlifting event sa ginaganap na 2020 Tokyo Olympic Games ay nagbigay ng isang malaking karangalan sa ating bansa matapos ang matagal na panahon na paghihintay na magkaroon ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics. 

Naging makasaysayan ang kanyang pagkapanalo dahil si Hidilyn ang kauna-unahang Pilipino na nag-uwi ng gold na medalya sa ating bansa mula sa Olympic games.

Kaya, super proud ang mga Pilipino sa karangalan na binigay ni Hidilyn sa ating bansa. 

Kaugnay nito,  kamakailan lang ay may kumalat na post sa Facebook tungkol sa isang hindi gaanong kilala na tinaguriang "living legend in weightlifting."

Sa post ni Shana Rocamora Ramirez, ipinakilala niya sa publiko at super proud siya sa kanyang ama/lolo na si Artemio Recomora na nagbigay din ng karangalan sa Pilipinas. 

Si Artemio ay nag-uwi ng bronze na medalya (3rd placer) sa Asian Weightlifting Championship kasabay ng light heavyweight at 19th placer naman siya sa overall Tokyo Summer Olympics noong 1964.

Si Artemio Recomora ay isang Philippine Air Force Veteran at athlete na ngayon ay 87 taong gulang na.

Sinabi ni Shana sa kanyang post na sobrang proud ang kanyang ama/lolo sa pagkapanalo ni Hidilyn. Noong nakita niyang naiuwi ni Hidilyn ang kauna-unahang gold sa Pilipinas, muli raw bumalik sa kanya ang mga alaala sa panahon noong siya ay sumalang sa Olympics. 



Totoo talaga na mahirap makahanap ng sponsors at nahirapan siyang mag focus noon dahil kailangan niyang itaguyod ang kanyang pamilya. 

Narito ang post ni Shana Recomora Ramirez sa kanyang Facebook account:

THE LIVING LEGEND IN WEIGHTLIFTING 🏋🏻‍♂️

Gusto ko po sana Ipakilala at ipag malaki ang aming Papa/Lolo Siya po si Artemio E. Rocamora ipinanganak noong June 29 1934, isa siyang Philippine Air Force Veteran/Athlete noong na nagbigay ng karangalan sa ating bansa bilang 3rd Placer/Bronze winner sa Asian Weightlifting Championship kasabay ng light heavyweight 19th place naman sa overall Tokyo Summer Olympics noong 1964 Siya ay 87 years old na ngayong taon at gusto lamang namin na habang andito pa siya at nabubuhay. Mabigyan siya ng pag alala sa nauwi nyang karangalan sa ating Bansang Pilipinas noon 🇵🇭

I am hoping to voice out his legacy since He is now too old and as he saw Hidilyn Diaz compete and bring home the Gold, He was so amazed and remembered his journey nakarelate sya kasi totoo mahirap humanap ng sponsors, nahirapan daw sya magfocus noon kasi at the same time kailangan nyang kumayod para itaguyod ang pamilya. We will never get tired of listening to his stories. Ang masakit na part lang, Sana nabigyan din sila ng sapat na suporta at pagkilala noong panahon na binuhat din nila at dinala ang Pilipinas noon.


Im so grateful to be Filipino and proud to be his Apo. Our Super Handsome LOLO Artermio 🏋🏻‍♂️

We Love You So Much Papa! Wala na kaming ibang hiling kundi makasama ka pa namin ng matagal ❤️

#KMJS #KMJSNAYAN  #kmjskapusomojessicasoho #Olympics #worldolympics #lightheavyweight

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment