Sa kanyang pagdiriwang ng ika-38 na kaarawan, kakaiba at umani ng iba’t-ibang reaksyon ang Instagram post na ibinahagi ng aktor na si Ping Medina.
Dito kasi ay ibinunyag ng aktor ang tungkol sa kasalukuyan nitong pinagdadadanan na problemang pinansyal na naging sanhi nga ng paghingi o ‘panlilimos’ niya ng donasyon bilang regalo na rin daw sa kanyang kaarawan.
“So now, I'm publicly begging for birthday donations. For me. Doesn't matter if it's 1 or 1000 pesos. Please know that you extending a helping hand is the most important gesture here. Today, I am relying on your kindness.,” saad pa nga ni Medina.
Ayon sa aktor, malaki ang naging epekto ng ikalawang ECQ sa kanya na nagresulta sa malaking kawalan niya ng kita. Maliban pa rito, inamin din ni Medina ang pagkahilig nito sa sabong kung saan, pinasok din nito ang pagiging isang sabong agent.
Dagdag pagbabahagi pa nga nito:
“See, I tried being a sabong agent last month. My master agent asked me for money to keep our account going. I also had a player who would spend 10k a day so when she asked for an advance I thought she was good for it. They both haven't paid me. Exact amount is 36k. That's my business' rent money and 2 months amortized rent for my condo this coming Aug 1. I don't know when they will pay.
“I've been doing okay since the pandemic but I ran into a bad streak this year. The second ECQ killed physical store sales at Bulilith Smoked Sausages. Customer traffic is starting to normalize but there were 3 months of people not wanting to go out. I needed another source of income. Unfortunately, sabong found me. I never gambled before in my life so I didn't know the effect it has on people. Sadly, I've come to witness that it is truly an addiction preying on weak minds.”
Pahabol pa nga ni Medina sa tinagurian nitong “weird birthday post”, minsan umano siyang nagplano noon na mag-organisa ng community pantry gamit ang perang kinita nito bilang sabong agent. Ngunit, dahil sa mga nangyari sa kanya ay hindi ito natuloy.
Gayunpaman, kung sakali naman umanong sumobra ang malilikom niyang donasyon para sa kanyang kaarawan, itutuloy na umano ni Medina ang plano niyang maglagay ng community pantry.
Samantala, kabilang sa mga naging reaksyon ng mga netizen sa post na ito ng aktor ay pagbati para rito at dasal na sana ay malampasan nito ang kanyang pinagdaraanan. Ngunit, hindi maiwasan na magbigay rin ng salungat na reaksyon ang iba sa post na ito ni Medina.
Tila hindi naging maganda ang dating ng panawagang ito ng aktor sa marami. Ani ng mga ito, mas marami pa umanong mga tao na mas karapat dapat tulungan at makatanggap ng donasyon kaysa kay Medina.
Saad pa nga ng ilan sa mga ito:
“It's funny how people like them used their 'influence' or fame? to ask people money, while those really deserving of help are really working hard with their own blood & tears. Work hard man!”
“Grabe donations talaga for birthday? If wlang pera, tiis. Everyone experienced that lalo ngayon. You can always celebrate birthdays even in simple ways. Maiintindihan ko pa if he is asking for donations for other stuff like medical etc... pero for a birthday?”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment