Viral ngayon ang isang dalagita sa Bulacan matapos siyang harangin ng Security Team nang papasok sana siya sa isang mall sa SM Pulilan dahil sa kakaibang phone case.
Ayon sa mga Security Team, kaya nga raw hindi nila umano pinahintulutan na pumasok ang babae sa mall dahil sa umanong kakaibang disenyo ng kanyang phone case na napagkamalang kutsilyo.
Sinabi naman ni Icole De Guzman Gleane, may ari ng phone case, na pupunta lang umano siya ng dental clinic, ngunit laking gulat na lang niya nang harangin siya ng Security Team nang aktong papasok na siya ng mall.
Paglilinaw ni Icole, hindi siya masamang tao. Gusto lang niya pumunta sa dental clinic para magpa X-ray ng kanyang ngipin.
“Pagpasok ng SM Pulilan. Hinarang agad ako ng 2 Guard, tapos biglang dumating pa ‘yung 1 guard at 1 Officer. Shawtawt po sa inyo SM Pulilan. Magpapa-X-ray lang po ako ng ngipin, HINDI PO AKO MASAMANG TAO,” sabi ni Icole sa kanyang post.
Natawa na lang ang Security Team dahil sa napagkamalan nila na kutsilyo talaga ang bitbit ni Icole dahil sa kakaibang disenyo ng kanyang phone case. Nagpaliwanag din sa kanya ang Security Team kung bakit nila hinarang si Icole, iyon ay gusto lang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa nag viral na babae.
Heto ang ilan sa kanilang mga komento.
"Yeah—- but prevention is better than cure, it’s very unusual art that may scare people. Just beware lang po, it’s fun to use but it’s still looks dangerous."
"Be mindful nmn po kc ate girl... Sa security its their job to secure their areas.. So next time po dont scare anybody... Gamitin m n lng po yan sa holloween😂"
"Dilikado Yan sa checkpoint
Kapag nasita ka Ng pulis tapos akmang bubunotin mo lang Yung phone mo tapos pag nakita Ng PULIS na mukhang kutsilyo dala mo
Naku yari na,baka mabaril kpa talagaðŸ¤"
"Papansin ang datingan mu jan, alm mu na ngang hndi case ang dating at kasita sita ginamit mu parin, well papansin nga ang dating mu jan.."
"Buti nga hinarang ka eh which means nagtratrabaho mabuti yung mga guards. Ano purpose bakit gagamit ka ng ganyang case at papasok ka ng mall????"
Be mindful nmn po kc ate girl... Sa security its their job to secure their areas.. So next time po dont scare anybody... Gamitin m n lng po yan sa holloween😂
Base sa mga komento, kung gaano karami ang natuwa sa "good vibes"na dala ng babae, ganoon din karami ang hindi natuwa sa nangyari.
Ayon ng ilang mga netizen, hindi ito magandang biro sa mga tao na nasa pamamahala ng kaligtasan. Dahil maaari pa nga siyang mapahamak sa ganitong klaseng sitwasyon.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment