Monday, August 9, 2021

Isang Vlogger, May Ibinunyag Tungkol kay Nas Daily


Hindi pa rin matapos-tapos ang isyu tungkol sa isang sikat na vlogger na si Nas Daily. Kamakailan lang ay pinag-uusapan ng marami ang "Whang-od Tattoo Academy" na umano'y scam at ang ginawang pangmamaliit ng vlogger sa mga magsasaka dito sa Pilipinas nang minsan niyang i-feature ang "The Cacao Project" ni Louise De Guzman.

Nang pinalabas ang dalawang isyu ng nasabing vlogger, sunod-sunod na ang mga hindi magagandang pahayag ng mga taong minsan ng nakasalamuha o nakasama ni Nas Daily para sa mga feature vlogs niya. 

Kalalabas lang na balita na isa na namang Pilipino ang may mga pahayag tungkol kay Nas Daily na ibinunyag niya sa publiko.

Sa isang Facebook post ng Lost Juan, na isa rin sa mga sikat na influencers sa Pilipinas, sinabi niya rito na matagal na silang magkaibigan ni Nas Daily simula noong 2017 pa. 

"Nas Daily and I were close friends since 2017, kilalang kilala ko siya before but I think everything has changed ng sumikat na siya," paglalahad nito.

Nagbigay din ang vlogger na Lost Juan ng komento tungkol sa nangyaring isyu sa "The Cacao Project" ni Louise De Guzman. Sinabi niya na sang-ayon siya sa lahat ng mga sinasabi ni Nas dahil magkasama silang dalawa noon sa Bicol.

Sa post ni Nas, nagbigay ang Lost Juan ng komento, "I was there with them. That's true! We saw nothing but false story! I even help to gather more information about Louise but when we arrived there, disappointed."

"Exaggerated ang mga nasa news pero wala kami nadatnan on what we're expecting na makita, puro seedling lang at maliliit na cacao," aniya. 

Ibinunyag din niya na marami ng mga videos si Nas na galing umano sa kanyang orihinal na ideya. Maraming mga pagkakataon na tinulungan niya si Nas kahit may pasok pa siya noon. 

Inamin din ng vlogger na Lost Juan na marami rin siyang naging sacrifices para kay Nas. Dumating pa sa point noon na napalayas siya ng kanyang apartment dahil karaniwan sa mga videos ni Nas ay nangangailangan ng maraming tao at sa lugar niya ginawa dahil malaki ang parking space nila sa Makati.

Ngunit, nagbago ang lahat nang sumikat na si Nas. 

"Bago pa man magkaroon ng Lost Juan, nakilala ko na si Nas at sya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Lost Juan ngayon. Hindi nya ako tinulungan but I learned from him kase ako mismo ang nakakakita sa mga ginagawa nya. 

I am thankful for that," paglalahad nito. 

"Pero unti unti na akong na disappoint sa kanya kapag humihingi ako ng tulong or support nung nagsisimula ako pero never nya ko tinulungan. 


I don’t demand utang na loob pero diba? The first million views nya sa Philippines was the “How cheap is the Philippines and ang laki ng tulong ko non," dagdag pa ng vlogger na Lost Juan.

Basahin ang buong post ng vlogger na Lost Juan sa kanyang Facebook:

Hi everyjuan, I have things that needs to clarify. 

First of all, makaPilipino ako at ayaw kong maabuso ang kapwa ko Pilipino. 

Isa ako sa mga tao na kilalang kilala ang mga foreign creators na ginagamit lang talaga ang Pilipinas para mag gain ng followers. At hindi ko nakitaan si Nas Daily ng ganong factor! Before yon! Pero ngayon iba na sa totoo lang. 

Kahit ibang creators sa Nas Academy, napapatanong ako kung bakit laging nafefeture ang PH sa mga contents nila. Parang iba na ata to. 

Nas Daily and I were close friends since 2017, Kilalang-kilala ko sya before but I think everything has changed ng sumikat na sya. 

Hindi naman talaga dapat ako magpopost about the recent issue about Nas Daily, but I need to this para sabihin ko sa inyo na kakampi nyo ako. 

I commented earlier to his post about Louise and I agree on what everything he said on his post kase totoo at alam ko ang nangyare kase ksama nila ako that time sa Bicol.

Exaggerated ang mga nasa news pero wala kami nadatnan on what we’re expecting na makita, puro seedling lang at maliliit na cacao. 

Pero hanggang dun lang un, yung other issue about whang-od hindi ko rin nagustuhan. TBH

Wayback 2017 when I first met Nas Daily, he was not so popular that time (I guess more than 300k lang followers nya when he came here sa PH.

It was in his first meet up nung magkakilala kami, he ask people na kung sino ang pwede tumulong sa kanya cos he’s planning to feature and make a story for smokey mountain.

I raised my hand cos I want to help (kase nga mejo fan na fan ako that time)

To make the story short ako na halos ang nakasama nya sa entire stay nya sa PH and actually maraming videos sya na ginawa na galing saken ang Idea.

Maraming nangyare and maraming time and effort ang binigay ko para tulungan sya even may pasok pa ako during my college days. 

We became close friends and everytime na bumabalik sya sa Pilipinas lagi nya ako naaalala, (is that because we’re close friends of need nya help!) Di ko sure! Lol

Marami rin ako naging sacrifices, I even decided to paint my whole apartment with his mural and many more just to welcome him back in our country.

Dumating pa sa point na napalayas ako sa tinitirhan ko kase most of videos na ginagawa namin kapag need ng maraming tao eh ginaganap s aplace ko because malaki ung parking samen sa Makati. 

After mapalayas sa apartment ko, I never demand anything from him but he adopted me in his hotel while andito sya. But when he left, I became homeless lol. Although meron naman ako nalipatan.

But everything of my effort hindi ako nagpabayad kahit piso since I treated his as my close friend.

Minsan naiisabit lang ako sa mga trips nya like bohol, pampanga, tagaytay, bicol. And no money involved.

But everything has changed hanggang sa sumikat na sya sa buong mundo.

Nagbago yung taong simple na ngayon hindi ko na kilala kung ano ba talaga ang pakay. 

Bago pa man magkaroon ng Lost Juan, nakilala ko na si Nas at sya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Lost Juan ngayon. Hindi nya ako tinulungan but I learned from him kase ako mismo ang nakakakita sa mga ginagawa nya.


I am thankful for that. 

Pero unti unti na akong na disappoint sa kanya kapag humihingi ako ng tulong or support nung nagsisimula ako pero never nya ko tinulungan. 

I don’t demand utang na loob pero diba? The first million views nya sa Philippines was the “How cheap is the Philippines and ang laki ng tulong ko non. 

At maraming pang viral videos na sununod. 

All in all malaki na ang pinagbago nya, hindi ko na sya kilala as a friend na nakilala ko before.

Hindi ko sinasabing ginamit lang ako pero parang ganun na nga. But as I said ako naman nagkusa tumulong, yun nga lang naabuso at napag-iwanan sa ere nung ako na ang nangailangan ng tulong.

With his recent issue about whang-od, when he first uploaded his video about whang-od medyo di ko na talaga nagustuhan when he said “Jungles of the Philippines” until this issue came.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment