Viral at makahulugan ang ibinahaging Facebook post minsan ni Atty. Katherine Calano. Ito ay bilang tugon na rin umano sa mga madalas kumikwestyon sa kanya kung bakit mas pinipili nito na sumakay ng tricycle kaysa bumili ng kotse.
Ayon kay Atty. Calano, hindi umano big deal sa kanya ang pagtatricycle dahil hindi naman umano ibig sabihin na ‘pag abogado ay kailangan niyang magmukhang mayaman o maging mayaman.
Ani nito sa kanyang Facebook post:
“A lot of people would usually tell me “Atty, bumili ka na ng sasakyan mo. Di bagay sayo ang nagtrtricycle. Parang di ka abogado,” or “Atty, bumili ka na ng sasakyan mo, easy na lang yan sayo,” or “Magcar loan ka na, dapat priority mo ang sasakyan.” I would respond with a polite smile. All I could do is to politely smile because if I would respond honestly, I would only come out rude especially when I would point out that being a lawyer doesn’t mean that I should look rich or I should be rich for that matter. Plus, my dad would drop me off in the office every morning so a tricycle commute ride home is no big deal.
“Let me tell you this: you don’t have to prove your professional capacity with the properties you own. I would understand if I am told to consider buying a car for convenience or for safety and security more so if hearings are outside the City. But if I am told to buy one to look like a lawyer? Bro, pass! I don’t need to stage my life just so I can justify my profession. Bibili ako once kaya na ng savings ko.”
Minsan raw kasi, masyadong mapanghusga ang mga tao lalo na sa mga propesyunal na hindi agad nakakapagpundar. Kailangang malaman ng mga ito na hindi naman umano katumbas ng mga materyal na bagay ang galing at talino na mayroon ang isang tao.
Iba-iba ang prayoridad ng bawat tao kaya mayroon ding iba’t-ibang ‘timeline’ ang mga ito. Pagbibigay halimbawa pa nga ni Atty. Calano tungkol dito,
“One lawyer or any professional who is only practicing for a year could buy a car or a house in a snap because maybe, that is his priority. While another who is practicing for five years couldn’t buy one because his priority is to save for the education of his siblings, for the medication of an ailing parent, for preparation of marriage, or for charity-who knows?
“Regardless of priorities and of properties, we should stop equating intellect and skills with wealth. Hindi dahil hindi pa siya mayaman, bobo na siya. Malay natin hindi lang siya corrupt.”
Hindi sa lahat ng panahon ay pagiging tamad ang dahilan kaya hindi agad nakakapagpundar ang isang taong kundi dahil sa iba’t-ibang prayoridad na meron ang bawat isa. Dapat umano itong mapagtanto ng marami dahil nakakalungkot nga naman isipin na dahil lamang sa mga materyal na bagay ay nahuhusgahan ang isang tao.
Gayunpaman, sa kabila ng kanyang mensahe, ayon kay Atty. Calano ay bahala na raw ang mga netizens na umintindi kung anong gusto niyang ipaabot habang siya naman ay ini-enjoy ang pagsakay sa tricycle.
Source: thedailysentry
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment