Marami ang nagluksa sa pagkawala ng isa sa pinakamamahal na komedyante sa bansa na si Noemi Tesorero aka Mahal. Isa na rito ang estranged husband ni Mahal na si Jobbie Hebrio.
“Masakit pero need magpakatatag,” maikling mensahe ni Jobbie sa Facebook nang makarating sa kanya ang balitang namayapa na si Mahal.
Nagpakasal sina Mahal at Jobbie noong November 2, 2015 sa Quezon City; All Saints Day. Ngunit, hindi rin nagtagal ang pagsasama nila ni Mahal at ng kanyang estranged husband.
Matagal na rin na wala sa Pilipinas si Jobbie dahil naghahanapbuhay ito sa ibang bansa. Nitong September 4 lang, nagkaroon ng tiyansa ang Cabinet Files para makausap si Jobbie.
Magalang naman na tumanggi si Jobbie na magsalita tungkol kay Mahal, ngunit labis pa rin ang kanyang pasasalamat sa oras na ginugol para lang matukoy ang kanyang kinaroroonan.
Ang mismong kapatid ni Jobbie ang nagsabi at nagkumpirma na malungkot si Jobbie sa pagpanaw ni Mahal kahit sandali lamang ang kanilang pagsasama.
Nabanggit din ng kapatid ni Jobbie na sila ng kanyang pamilya ay nagdadalamhati rin sa pamamaalam ni Mahal dahil naging parte rin ito ng kanilang buhay.
Ayon sa ilang mga ulat, sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Mahal noong April 22, 2020, ipinagtapat niya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Jobbie. Pero nakiusap siyang huwag nang isulat dahil nananahimik na sa ibang bansa ang kanyang estranged husband.
"Saglit lang ‘yon, huwag na nating pag-usapan. Nananahimik na siya," sabi ni Mahal.
Naging agaran din ang sagot ni Mahal noong tinanong siya na annulled na ba ang kanilang kasal ni Jobbie.
"Okey na, inaayos ko na ang tungkol sa kasulatan na ginawa ko noong August 31, 2019," aniya.
“Ganda ko jan hahahaha. Thank you. Dami [basher]. Sulat mo hehehe n basa ko comment,” nakakaaliw na mensahe ni Mahal.
Hindi naman nag paapekto ang komedyana sa mga basher na nag-react tungkol sa pagpapakasal at paghihiwalay nila ng kanyang husband noon.
Nitong September 5 lang, inihatid na ang mga labi ni Mahal sa huling hantungan sa Himalayang Pilipinas.
Gayunpaman, kahit namaalam na si Mahal, mananatiling buhay pa rin ang mga alaala na iniwan niya sa buhay ng mga taong minsan niyang napasaya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment