Matapos ang nag viral na isyu tungkol sa pang-iscam ng isang wedding coordinator sa bagong kasal, naging masaya naman ang couple nang nag offer ang mag-asawang Chito at Neri Miranda.
“Bilang naging bride din ako, ang pinakaayaw natin ay ma-stress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, hindi tayo dapat binibigyan ng stress,” she starts. “Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako," sabi ni Neri.
Ayon kay Neri, sila na mismo ang bahala sa reception ng bagong kasal. Sa Jeju Samgyupsal gaganapin ang reception na kasya ang 20 pax.
Ang Jeju Samgyupsal ay isang Korean restaurant sa Cebu kung saan, pagmamay-ari ng mag-asawang Chito at Neri.
“Kami na bahala sa reception niya. Malapit lang naman ang Jeju Samgyupsal sa lugar nila. Dun na natin ganapin ang reception nyo. Since mahigpit po ang dine in pa rin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu," offer ni Neri.
"Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception niyo," dagdag pa nito.
“May pabaon kaming Terra accessories, Very Neri beddings, Very Neri sleepwear gift from Saturday Dress para sa bride. Wala kayong gagastusin mag-asawa," paliwanag ni Neri.
"Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Huwag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo," aniya.
Matatandaang, nag viral ang couple maraming Maraming mga netizen ang nalungkot sa nag viral na video ng isang bride na umiiyak suot ang kanyang wedding gown matapos niloko siya ng kanyang wedding coordinator.
Ang nasabing bride ay hindi idene-disclose ang kanyang pangalan. Ang babaeng nasa video ay taga Minglanilla, Cebu.
Na-iscam umano ang bride sa kinuha niyang wedding coordinator na kilala sa pangalang Naser Fuentes.
Ayon sa nasabing post, ang akala nila na inayos na ng kanilang wedding coordinator ang reception, ngunit, walang reception na naganap pagkatapos ng kasal.
Ayon din sa post ng videographer ng ng kasal na si Jesson Argabio Jes, sinabi niyang first time niyang maka-witness ng ganitong klaseng scam.
"Ang event naman ngayon ay scam, first time ko talaga ito. Quits lahat," ani ng videographer.
Nagpakita pa nga umano ang wedding coordinator sa kasal, ngunit bigla rin itong nawala at hindi na raw ma-contact pagkatapos.
Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa venue kung saan nandoon ang pinagkasunduang lugar ng reception. Ngunit, close umano ang nasabing venue.
Ayon sa tao na in-charge sa venue, walang event na naka-book doon para sa kanilang reception. Wala rin daw pagkain at decors. Sa madaling salita, wala lahat.
Totoong na-iscam umano ang couple dahil fully paid na ang mismong wedding package. Lahat ng suppliers ay hindi rin binayaran dahil hindi pa sila nabigyan ng kanilang coordinator.
Source: mb
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment