Saturday, September 25, 2021

Netflix Series na ‘Squid Game’, Inakusahan ng Plagiarism ng Isang Japanese Movie!

Trending at pinag-uusapan ngayon ng marami ang bagong Netflix series na ‘Squid Game’. Mula nang ilabas ito sa popular na streaming platform nito lamang Biyernes, ika-17 ng Setyembre, marami na ang nakapanood at bumilib sa storya nito.

Dahil dito, sa Netflix Philippines ay nangunguna ang ‘Squid Game’ sa Top 10 na pinaka-popular na pinapanood. Ang series na ito ay may siyam (9) na episode na talaga namang pinanood at tinapos ng maraming mga viewers lalo na ng mga Pilipino. 

Ngunit, kasabay ng mga papuri at paghanga sa series ay ang isang alegasyon dito na umano ay pinlagiarize o kinopya ng ‘Squid Game’ ang isang Japanese movie.

Ang tinutukoy ng mga kritiko rito ay ang 2014 Japanese movie na ‘As the Gods Will’. Gaya ng Netflix Series, ang storya nito ay tungkol din sa mga ‘survival death matches using childhood games’.

Maliban dito, marami rin ang nakapansin na maliban sa nagkakalapit na storya ng dalawa ay halos magkapareho rin umano ang mga kuhang shots at filmography ng dalawang pelikula. Halimbawa na nga lang dito ay ang nagkalat na larawan sa internet ng higanteng doll head mula sa Squid Game.

Ayon sa direktor ng Squid Game na si Hwang Dong-hyuk, taong 2008 at 2009 pa lamang ay sinimulan na umano nito ang script para sa series. Ngunit, tuluyan lamang nagawa ang pelikula nang magkaroon ng interes dito ang Netflix matapos ang mahabang panahon. Ani nito, nabuo rin umano ang Squid Game dahil sa pagbabasa nito ng mga manga na mayroong survival genre.

Samantala, ang As the Gods Will naman ay ginawa noong 2010 at naipalabas noong 2014. Mayroon namang sagot si Hwang Dong-hyuk sa mga akusasyon na kinopya nito ang Japanese movie. Ani nito, 

“It is true that (the first game is) similar, but after that, there aren't any similarities… But if I had to say it, I would say I did it first.”

Maliban sa Squid Game, si Hwang Dong-hyuk ay kilala rin bilang direktor ng 2011 movie na ‘Silenced’ na tungkol naman sa mga pang-aabuso sa mga deaf o binging mga mag-aaral sa South Korea.

Gayunpaman, sa kabila ng akusasyong plagiarism sa naturang Netflix series ay hindi rin maikakaila ang mga magagandang reviews na naani ng Squid Game mula sa mga kritiko at manonood nito.

Heto nga ang ilan lamang sa mga ibinahaging reaksyon ng mga netizen matapos mapanood ng series sa Netflix:

“Finished watching Squid Game (2021) and hands up to Netflix for another amazing original series for this year! Really loved the whole concept and the set design! The actors are *chef kiss*. It's really a great thriller drama to binge watch!”

“Squid Game was absolutely amazing and thrilling to say the least! The production was on point!”

“If you’re looking for something to binge, Squid Game (on Netflix) was absolutely WILD.”

“I've done watching all episodes of Squid Game. What a great series!”

Ilan lamang sa mga Korean stars na mapapanood sa Squid Game ay sina Lee Jung-jae, Park Hae-soo, Jung Ho-yeon, at Gong Yoo. Ayon sa ulat, matapos ang tagumpay ng Season 1 ng series ay magkakaroon na rin umano ito ng Season 2.

Source: straitstimes

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment