Isang video ang pinagkakaguluhan sa social media matapos ibinahagi ng isang lalaki ang pagsagip nila sa lalaking naabutan ng baha na naligo sa waterfalls.
Sa video na pinost ni Carlos Japitana Dolendo, kitang kita ang kanilang paghila sa lubid na kanilang ginamit para i-rescue ang lalaki sa waterfalls.
Ang tubig sa talon ay patuloy na rumaragasa at ang lalaki naman ay tinulungan din ang kanyang sarili para makaahon sa nasabing waterfalls.
Mahigit apat na lalaki ang nagtutulungan na hilahin ang lubid para ma-rescue ang nasabing lalaki.
Dahil sa lakas ng bugso ng tubig sa waterfalls, hindi na nakayanan ng lalaki na kumapit at tuluyan na niyang nabitawan ang lubid.
Labis ang dalamhati ng mga tao na nandoon nang nasaksihan nila ang tuluyang pagbitaw ng lalaki sa lubid.
At lalong lalo na nang makita nila ang pagbagsak ng lalaki sabay sa rumaragasang tubig ng waterfalls. Wala na silang nagawa kundi napaluha na lang.
Ayon sa nag post ng video, hindi umano nila kilala ang lalaki sa nasabing waterfalls. Sinubukan nilang i-rescue ang lalaki, ngunit nabigo sila.
Sinubok na nila ang lahat ng kanilang makakaya, ngunit ang lubid na kanilang binigay para sa i-rerescue sana na lalaki ay hindi ganun kahaba para mas madali siyang makakapit.
Paalala naman ng lalaki na nag post ng video, huwag maligo sa mga talon lalong lalo na kapag hindi maganda ang panahon.
"Look at here guys.. We try to rescue him to saved his life but unfortunately he's unlucky.. I'm so sorry..
PS: do not having fun with your family and love ones in the waterfalls if the weather is bad..,"post ni Carlos sa kanyang Facebook.
Ang nasabing lugar ng pinangyarihan ay sa Tinubdan Falls sa Catmon, Cebu. Ang falls na ito ay medyo naka-locate na sa pinakabukid na parte ng lugar.
Hanggang ngayon, hindi pa nila alam kung ano na ang nangyari sa lalaki. Ayon sa nag post nito, missing ang nasabing lalaki.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment