Sunday, September 26, 2021

Mygz Molino, Emosyonal na Idinetalye ang Mga Huling Sandali ni Mahal


Nagsalita na si Mygz Molino sa publiko tungkol sa kalagayan ni Noemi Tesorero o mas kilala ng maraming tao bilang si "Mahal" matapos ang sudden death ni Mahal.

Sa panibagong vlog ni Mygz, naging emosyonal siya matapos sinabi niyang naging masyadong stress siya sa mga pangyayari dahil sa recent death din ng kanyang ama.

Kwento ni Mygz, si Mahal ay nagsimulang magkaroon ng ubo noong August 25. At noong August 31, si Mygz at at ang manager ni Mahal ay isinugod nila si Mahal sa hospital.

“Kwento ko lamang po sa inyo 'yung naging kalagayan ni Mahal nung mga panahon po na nagkaroon po siya ng ubo. Panahon po na nawala po 'yung papa ni Mahal, doon na po nag-start ang pagiging matamlay ni Mahal dito sa bahay."

“Mga August 25, 26, nagkaroon po siya ng ubo. Nag-start po siya sa ubo, na normal naman po sa atin na magkaroon po ng ubo. And that time po pinainom ko po si Mahal ng Lagundi syrup kasi 'yun po 'yung hiyang po sa kanya.”

“Then pagdating po ng Friday (August 27) na 'yon, nagkaroon na po siya ng sinat, nagkaroon na po siya ng lagnat.” 

“Saturday and Sunday po, maayos naman po yung kalagayan niya.” 


“Pagdating po ng Linggo po ng gabi, hinipo ko po siya, biglang nagkaroon po ulit siya ng trangkaso. So nag-worry na po ako kasi sabi ko nga po sa kanya, tinatanong ko po kung nawalan po siya ng pang-amoy at saka panlasa. Sabi niya po, okay naman daw po 'yung pakiramdam niya.” 

“Monday (August 30, 2021) ng tanghali na po, dumating na po 'yung manager ni Mahal para ipainom sa kanya 'yung gamot nga po na nabili.” 

Martes ng hapon, August 31, mas lumala ang condition ni Mahal.

“Noong sinalpakan po namin ng oxygen, medyo naghahabol po ng hinga si Mahal. Noong sinalpakan namin ng oxygen that time po, umokey naman po 'yung kanyang hinga. And then, after po ng mga ilang oras po na naubos niya po 'yung oxygen, nagpa-refill po si manager ng oxygen para in case naman po na maghabol po ng hininga si Mahal, may mailalagay po kay Mahal.” 

“Sakto po pagkaalis ni manager, pagkaraan po ng mga ilang minuto, tinawagan ko po siya noon, sabi ko hindi nga po makahinga si Mahal, nahihirapang makahinga. So bumalik po si manager dala po 'yung oxygen and that time po, pagkalagay po ng oxygen, dinala na po namin sa ospital.” 

“So ang kinausap na po ng doktor, si manager nga po. Ang nakita nga po sa kanya is severe acute respiratory distress syndrome... Tapos mga ilang oras ayun, dineclare na po na wala na si Mahal," pahayag ni Mygz.


Matatandaan, nagsimula si Mahal ng kanyang sariling YouTube channel nitong July 2020 na kung saan karaniwan niyang pino-post sa kanyang vlogs ang isang modelol at indie actor na si Mygz Molino. 

Maalala, nitong August 27 ang kahuli-hulihang vlog ni Mahal na kung saan pinakita niya ang mga behind-the-scenes sa kanyang appearance sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS). Ang mga scenes na ito ay kuha matapos niyang binisita ang kanyang co-comedian na si Mura.

Nag appear din ang pumanaw na aktres sa mismong Youtube channel ng modelo nitong Agosto 29 lang ng taon. 

Source: kami


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment