Sunday, September 26, 2021

Naser Fuentes, Inaresto na ng Pulisya at Kasalukuyang Nakakulong! "It's not a huge amount of money…"


Inaresto na ng mga pulis ang nasabing nang-iscam na wedding coordinator na si Naser Fuentes, Huwebes ng hapon, September 23.

Naser Fuentes, 33 taong gulang, inaresto ng mga pulis 4:15 ng hapon sa Sitio Sampaguita, Barangay Casili, Consolacion sa kasong estafa na na-file noong 2013.

Inaresto siya dalawang araw matapos ang kanyang pang-iscam sa bagong kasal na sina Cherry Pie Purisima at Arniel Satingasin, parehong taga Minglanilla, Cebu.

Si Naser Fuentes ang nai-hire ng couple na maging wedding coordinator nila at nagbayad na umano ng Php 65,000. 

Ngunit, nalaman ng couple na pagkatapos ng kanilang kasal noong September 22, walang na-book na venue si Fuentes para sa kanilang wedding reception.

Ayon sa spot report sa isang police, ang pag aresto kay Fuentes, residente sa Sitio Fatima, Barangay Jagobiao, Mandaue City ay pinangunahan ng Mandaue City Police Office.

Nagbigay na ng warrant of arrest ang police office kay Fuentes at inaresto sa kasong estafa. Walang bail ang inerekomenda ng mga pulisya para sa kasong ito.

Matatandaang, na-iscam umano ang bride sa kinuha niyang wedding coordinator na kilala sa pangalang Naser Fuentes.


Ayon sa nasabing post, ang akala nila na inayos na ng kanilang wedding coordinator ang reception, ngunit, walang reception na naganap pagkatapos ng kasal.

Ayon din sa post ng videographer ng ng kasal na si Jesson Argabio Jes, sinabi niyang first time niyang maka-witness ng ganitong klaseng scam.

"Ang event naman ngayon ay scam, first time ko talaga ito. Quits lahat," ani ng videographer. 

Nagpakita pa nga umano ang wedding coordinator sa kasal, ngunit bigla rin itong nawala at hindi na raw ma-contact pagkatapos.

Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa venue kung saan nandoon ang pinagkasunduang lugar ng reception. Ngunit, close umano ang nasabing venue.

Ayon sa tao na in-charge sa venue, walang event na naka-book doon para sa kanilang reception. Wala rin daw pagkain at decors. Sa madaling salita, wala lahat.

Totoong na-iscam umano ang couple dahil fully paid na ang mismong wedding package. Lahat ng suppliers ay hindi rin binayaran dahil hindi pa sila nabigyan ng kanilang coordinator. 

Mula sa make-up artists, photo and venue, wala silang nakuhang bayad dahil na-scam sila ng kanilang wedding coordinator. 


Sa ngayon, nasa kulungan na si Naser at patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis sa isinampang kasong estafa.

Sa isang video, naaktuhang may kausap si Naser at tinutukoy na ito ang kanyang abogado para sa paghahanda sa pagharap sa kanyang kaso.

"It's not a huge amount...", aniya.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment