Wednesday, September 29, 2021

VIRAL: Isang Wedding Ceremony, Ginanap sa Border Checkpoint sa Pangasinan


Totoo talaga na kapag umibig ang isang tao, walang hadlang o walang kahit anong distansya at lugar ang makapagpigil sa pag-iibigan ng mga taong tunay na nagmamahalan.

Pinatunayan ito ng dalawang magkasintahan na sina Erwin Zabala at Ruby Papio ang kanilang wagas na pagmamahalan matapos magpakasal sa isang border checkpoint ng Pangasinan. 

Nangyari ito, dahil hindi umano pinapayagan ang groom na makapasok sa probinsya, kung kaya't ang bride na mismo ang nagtungo sa checkpoint upang matuloy ang kanilang kasal.

Dahil rin umano sa pagnanais ni Erwin na maka-isang dibdib si Ruby, umuwi siya sa Pilipinas.

Sinunod naman raw umano ni Erwin ang mga quarantine protocols. Tinapos naman ni Erwin ang kanyang sampung araw na quarantine sa hotel.

Nang matapos na ang kanyang quarantine, agad siyang pumunta sa Pangasinan, sa mismong araw ng kanyang kasal, ngunit hinarang siya ng mga awtoridad. 

Saksi ang mga awtoridad sa pagmamahalan at pag-iisang dibdib nila ni Erwin at Ruby sa isang checkpoint border. 

Ilan sa mga nakasaksi sa naganap na kasal ay ang mga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Personnel, Philippine Coast Guard at mga pulis sa naturang checkpoint.


Marami ang kinilig at napasabi ng "sana all" sa nakitang post sa Facebook at panay rin ang pagbibigay ng kani-kanilang mga komento sa social media.

Ilan sa mga naging komento ng mga netizen ay ang labis na paghihigpit ng border checkpoint sa Pangasinan.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:


"Is this something that we should be proud of? I mean, wedding in the border checkpoint? Really? You didn't let the groom in but you let the wedding happen and you let the groom to kiss the bride? Sana pinatuloy niyo na lang si groom to enter since 10 days quarantine is completed. Mas nakapag celebrate pa sana sila ng maayos kung gumana sana ang pang-unawa natin."


"Natapos naman na po ng quarantine niya, bakit di pa rin pinapasok? Pero pinayagan namang makisalamuha.."

"Di pinalusot yung lalaki, pero nagkiss sila nung bride. Di pinalusot for "safety protocols & reasons" pero pinayagan sila magkiss at saksi silang lahat (mismong mga pulis sa checkpoint) sa salin-laway kasama ang virus (kung sakali).

Wow. Ang galing."

"Tang ggu yung checkpoint. Bobo sa row 4.. May qurantine na.. Dapat makapasok na yan.. Dami pa ding bobo…"

"Oo pangasinan nlang yta ang sobra higpit sa mga check point na yan.."

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment