Isa sa mga pinagkakakitaan ng mga tao sa ating bansa ay ang pangingisda. Maraming mga tao ang umaasa sa likas na yaman ng dagat para sa kanilang kabuhayan.
Ngunit, iyon nga lang, sino ang mag-aakala na ang nakuhang likas na yaman sa dagat ay katumbas pala ng napakalaking halaga at maaaring makapagpabago ng iyong buhay.
Sino mag-aakala na ang isang dumi ay maaari pa lang pagkakitaan. Ito ang kwento ng isang mangingisda sa Camarines Norte.
Sa di inaasahang pagkakataon matapos magpalakad-lakad sa tabi ng dalampasigan matapos ang bagyo, ay may nakita itong palutang-lutang sa gitna ng karagatan.
Agad na humingi ng tulong ang mangingisdang si David sa kanyang kaibigan upang makuha sa dalampasigan ang isang palutang-lutang na animo'y bulok na kahoy kung tingnan.
Dahil sa kakaiba ang hugis at itsura nito, na may sukat ng dalawang talampakan ang haba, taas na tatlong talampakan at halos may bigat na 80 kilos.
Inuwi ni David ang nasabing bagay na nakita niya sa dalampasigan. Dahil sa hindi pangkaraniwang anyo nito, kanya na lamang ginawang mesa sa labas ng kanyang bahay.
Kalaunan nga naman, hiningi ito ng isa sa mga kaibigan ni David dahil sa nakakamangha nitong anyo. Masyado di umanong na-curious ang kanyang kaibigan at planong magsaliksik ito sa internet kung anong uri ang nakuha nilang bagay malapit sa dalampasigan.
Dahil sa labis na pagkakuryuso, naisipan ng kaibigan ni David na magsaliksik sa internet kung anong uri ng bagay ang kanilang nakita, at laking gulat na lang nila sa kanilang nalaman.
Napag-alaman nito na ang kanilang aksidenteng nakuha sa karagatan ay di umano’y isang suka ng balyena. Nalaman din nito na ang hinihinalang suka ng balyena ay kilala sa tawag na Ambergris. *
Ang "Ambergris" pala ay isang waste material mula sa balyena, na sa una ay may masangsang na amoy ngunit kalaunan ay nawawala ang mabahong amoy nito at nagiging mabango kalaunan, nababalot din ito sa waxy material at sinasabing idinudumi o sinusuka isa ng isang sperm whale.
Dahil sa may kalakihan ang sukat nito at at maaaring magbara sa bituka ng balyena kaya naman ito ay iniluluwa o sinusuka. Kadalasan itong makikita na nagpapalutang-lutang sa karagatan.
“Medyo matatalas ang dulo nya, hindi ito natutunaw sa tiyan ng sperm whale. Para hindi masugatan yung bituka, pinapalibutan niya ito noong parang waxy material." Pahayag ni Dr. A. Pinchay, isang Marine wildlife specialist. *
Ito ay isa sa mga mamahaling sangkap din sa paggawa ng isang mamahaling perfume.
Kung nabasa mo na ang label sa isang bote ng mamahaling pabango, marahil ay nakakita ka ng ilang mga kagiliw-giliw na termino - mga kakaibang bulaklak, bihirang kahoy, mga citrus fruit o isang bagay na tinatawag na 'ambergris.'
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment