Usap-usapan na ngayon lalong lalo na sa social media ang mga argumento kung sino ang karapat-dapat na presidente na iboboto sa darating na halalan.
Maraming mga netizen ang nagpakita ng kanilang mga suporta sa kanilang pinupusuan na kandidato at maging susunod na presidente sa bansang Pilipinas.
Kung may mga sumusuporta, hindi rin mawawala ang mga tao na nambabatikos sa mga tumatakbong presidente ngayong paparating na eleksyon.
Isa na rito ay ang kilalang aktres na si RR Enriquez matapos nagpahayag ng kanyang mga prangkang opinyon tungkol sa mga netizen na nag-share ng mga pink-colored posts.
Ito ay matapos isinapubliko ni Vice President, Leni Robredo, ang kanyang presidential bid at pinili ang kulay pink bilang kanyang color campaign.
Sa kanyang Instagram post, binigyan niya ng diin na ang buwan ng Oktubre ay para sa "Breast Cancer Awareness" at ang mga pink ribbons ay ginawang simbolismo para sa nasabing campaign.
Binatikos niya ang mga kapwa niya celebrities na nagpakita ng kanilang suporta kay Vice President, Leni Robredo, sa pamamagitan ng pag post ng mga "pink-colored posts."
“Yung ibang mga artista, influencer na nag post ng Pink sana huwag din tayong insensitive. Ok lang isupport nyo sya as your President. Pero not to the point na may sasagasaan or ididisrespect," pahayag ni RR Enriquez.
“Tapos yung iba ang lakas ng loob nyo mag post ng Pink pero yung tunay na meaning nyan as breast cancer awareness ni hindi nyo mapost at masupport!!!!”
“Super insensitive para sa mga taong lumalaban sa buhay nila ng dahil sa cancer,” sabi ni RR.
Pinatutsadahan rin nito ang mga artista at mga influencer na nag-post ng “pink” na insensitive.
Marami naman sa netizens ang naimbyerna sa kanyang post at hindi natuwa sa mga sinabi ng dating dancer at TV personality.
Palibhasa raw ay ibang kandidato ang sinusuportahan niya kaya malaki ang inis niyo sa mga artistang sumusuporta kay VP Leni.
“Te halos lahat po ng cancer may color wag po maghanap ng butas porke si BBM ang gusto,” komento ng isang netizen.
“If you like other presidential candidate, go for it! Pero wag mo din pigilan ‘yuny iba na suportahan yung gusto nila,” komento naman ng isang netizen.
Sa naganap na press conference nina VP Leni at ng running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan ay ipinaliwanag nito ang ibig sabihin kung bakit pink ang associated color sa kaniya.
“‘Yung pink ngayon ay siya ‘yung lumalabas na global symbol of protest and activism,” saad ni VP Leni.
Si Maria Leonor Gerona Robredo o mas kilala bilang Vice President, Leni Robredo, ay isang Filipina lawyer at social activist. Siya ang asawa ng late Interior Secretary, Jesse Robredo.
Kinumpirma na ni Vice President, Leni Robredo, na tatakbo siya bilang presidente sa darating na Presidential elections ngayong 2022. Nag file na rin siya ng kanyang candidacy nitong October 7 lang.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment