Sa buhay, hindi talaga natin mapipilit kung anong estado ng buhay ang ating mapupuntahan. Swerte na lang ang ilan sa ating mga kabataan na maayos ang buhay at walang iniintinding problema.
Ang ilan sa ating mga kabataan ay hindi man lang naranasan kung gaano kahirap ang buhay, dahil nariyan ang kanilang mga magulang para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Ngunit ibahin natin si Kervy James Villarejo, isang grade 5 na estudyante sa Jose Catolico Sr. Elementary School, Gen. Santos City.
Ang kanyang kwento ay labis na makapag-inspire sa lahat ng kabataan, dahil sa halip na mawalan ng pag- asa dahil sa hirap ng kanilang buhay, patuloy pa rin itong lumalaban.
Viral sa social media ang Facebook post ni Chriszel Singson Vicente na empleyado ng isang insurance company kung saan ay ibinahagi nito ang nakakaantig pusong kwento ni Kervy.
Ayon kasi kay Chriszel, si Kervy ay kumatok sa pintuan ng kanilang office para mag-apply ng trabaho bilang isang janitor upang makabili ng kanyang school project.
“Na curious kaming lahat, pinapasok namin. Nasa booth ako noon, lumabas ako para kausapin siya. Sa totoo lang, naawa ako, kasi sa office may suki na talaga ako na lumalapit at binibigyan ko every month. Itong si Kervy, iba.
Nag offer ng service... napahanga niya talaga kaming lahat, tapos pag interview namin sa kanya ang hirap pala ng current situation nya.” ayon kay Chriszel
Kwento ng bata, naninirahan umano siya sa kanyang lola kasama ang tatlo pa niyang kapatid na magkaiba ang tatay.
Ang kanyang tunay na tatay ay matagal na umanong sumakabilang-buhay habang ang kanyang ina naman ay mayroon ng ibang kinakasamang lalaki na hindi nagbibigay ng suporta sa kanya.
“11 years old si Kervy ngayon, ka edad ko lang yung mama nya nung pinanganak siya. Same age nung pinanganak ko anak ko at 21. Personally, masakit talaga saakin bakit ganun ang sitwasyon niya.
As a single mom, masakit talaga. Kawawa si Kervy. Pero ang swerte [ng pamilya nya] sa kanya. [Si Kervy] ay masipag, may pangarap.” dagdag pa nito.
Dahil sa namangha ang mga tao na nandoon sa opisina dahil sa kwento ni Kervy, ibinigay na lamang ang halaga na kailangan niya at hindi na siya pinagtrabaho pa.
Si Kervy ay ilan lamang sa mga batang may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral para maabot ang mga pangarap sa buhay. Ayon kay Kervy, pangarap niyang maging piloto balang araw.
Ang kwento ni Kervy ay isa sa mga dapat tularan. Ito ay nagpapaalala rin sa atin na huwag tayong mawalan ng pag-asa lalong lalo na sa panahon ng kawalan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment