Isang civil complaint ang ipinataw sa isang aktor at Cebu City North District congressional aspirant na si Richard Yap ng isang 24 taong gulang na lalaki na nagpakilalang biological son umano ni Yap.
Ang complainant ay kilala bilang si Joshua Paolo Jensen. Si Jensen ang naghain ng kaso laban kay Yap sa Regional Trial Court sa Cebu noong Huwebes, October 28, 2021.
Si Jensen, tubong taga Cavite sa Southern Luzon, ay sinamahan ng kanyang mga abogado na mga Cebuano lawyers na sina Mamerto Avila at John Gador.
“Mga 12 years old nakita ko po siya sa Chowking commercial. Sabi ng mama ko yan ang tatay mo. Nagulat ako, pinuntahan ko din siya sa ABS-CBN pero hindi siya nagpakita. Nagtatago po siya. Laging out of town po.
(I was around 12 years old when I saw him in a Chowking commercial. My mom said that is your dad. I was surprised. I went to see him in ABS-CBN, but he did not show himself. He hid and I was often told that he was out of town),” pahiwatig ni Jensen.
Dagdag pa ni Jensen, ang kahuli-hulihang beses na nagkita sina Yap at ang kanyang ina ay noong araw na buntis pa lamang ang kanyang ina.
“Pag nakikita ko na namimigay siya ng bigas sa mga tao, tumutulong siya, masaya ako na ginawa niya yan, pero masakit din dahil ako iniwan niya at pinabayaan.
(When I see him giving rice to people and helping, I feel happy that he does that, but it also pains me because he left and abandoned me),” dagdag ni Jensen.
“Richard Yap, I hope you acknowledge me as your child. I’ve long been running after you until I reached Cebu. My mother’s life was ruined because you left her and her child.
That’s me. How can your aim to serve Cebuanos be real when you can’t even stand up for your own child? I’m all grown up now. Let’s face each other and have a DNA test done,” aniya.
Kaugnay nito, sa naging panayam ng Sunstar, parang na-surprise umano si Yap sa naging mga pahayag ni Jensen sa kanya.
Sabi ni Yap, malaki ang kanyang paniniwala na politically motivated lang si Jensen ng isang councilor na si Councilor Niña Mabatid.
Ika ni Yap, isa si Mabatid sa mga naghahangad din ng congressional post sa Cebu City north district.
“I have never seen him, met him, talked to him ever since. Ambot lang asa na niya gikuha nga ako iyang amahan (I don’t know where he got that from, that I am his dad),” paliwanag ni Yap.
“I am very sure of that because there is one councilor, a woman who is also running for Congress. She went live and claimed that I have a child that worked for her and who is filing a case. So this has all been planned from the start. Just watch her live,” dagdag pa nito.
Samantala, hinamon ni Mabatid si Yap na ipa DNA test umano para malaman ng lahat kung totoo ba talagang anak ni Yap si Jensen.
Sinabi ni Mabatid na mag wi-withdraw siya ng kanyang candidacy kapag lumabas sa DNA test na si Yap ay hindi talaga totoong ama ni Jensen.
“Richard Yap, don’t point fingers at anyone. You abandoned your very own child and it’s my fault? Face the case and submit yourself for DNA testing wa nay daghan storya (stop the talk).
Do it before November 15, I challenge you. If the result is negative, then I’ll step down as the official candidate for Congress of Barug PDP Laban. Imoha na ng Congress (You can have Congress),” sabi ni Mabatid
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment