Hindi na nakapagtimpi ang aktres na si Jaclyn Jose matapos umano ang naging pahayag ni Albie kaugnay sa pangingialam umano nito sa kanyang anak.
Ayon kay Jaclyn, hindi na niya nakayanan pa ang naging pahayag umano ni Albie sa pagdagdag ng timbang ni Andi, dating karelasyon ni Albie.
Sa kanyang post sa Instagram na burado na rin sa kasalukuyan ay pinakiusapan niya si Lauren Dyogi kaugnay sa naging pahayag ni Albie.
Dagdag pa ni Jaclyn, hindi na dapat idawit ang kanyang anak dahil nanahimik na ito at may sarili ng buhay at pamilya.
Huwag umanong pilitin at baka makuwento umano ni Jaclyn kung ano ang ginawa noon ni Albie noong buntis pa si Andi.
Matatandaan, noong taong 2012, kumalat noon ang photo ni Albie na bugbog sarado.
Ito ay matapos makatikim ng sampal at buhusan ng alak ng kanyang ex-girlfriend at bugbog sarado umano si Albie sa mga kaibigan ni Andi.
Nagkaroon umano ng gulo doon sa Fiamma bar sa Makati kung saan nabugbog ang nasabing aktor ng apat na kalalakihan sa may parking lot ng nasabing bar.
Sa pakikipag-usap sa ina ni Albie na si Rina Casiño, naiyak itong kinuwento ang nangyari sa kanyang anak.
Kwento niya, nagkataon na nagkikita sana noon sina Albie Casiño at Andi Eigenmann doon sa nasabing bar sa Makati.
Napadaan lang daw umano si Albie sa table nila ni Andi at agad lang itong binuhusan ng wine at sinampal pa umano ang kanyang ex-boyfriend.
Hindi ma raw umimik pa ang aktor at dumiretso na lang sa comfort room para linisin umano ang kanyang sarili.
Niyaya na ng kanyang kaibigan na umuwi, ngunit noong nasa parking lot na sila ay naramdaman niya umanong may bote na humataw sa kanyang ulo.
Dito na umano sinimulang bugbugin ang aktor ng apat na kalalakihan. May binanngit na pangalan ang ina ni Albie na itinurong gumawa nito sa kanya.
Kamakailan lang din, nitong October 26 lang, matapang na nagbitiw ng pahayag si Albie tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.
Sa Kumu livestream ng aktor, binunyag niya na hindi totoong humingi si Andi ng paumanhin sa kanya.
"I don't care, dude. I think it's been long enough. It's okay for me to talk about it. I guess she moved on.
"I'm kind of tired of covering her, bro, you know what I mean? I'm not gonna hold my tongue so you can look good anymore," pahayag ni Albie.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment