Saturday, October 9, 2021

VIRAL: Isang Paluwagan sa Bohol, Dinumog ng mga Tao Dahil sa Pang-iiscam Nito!


Nitong panahong ng pandemya, maraming mga tao ang naging mas resourceful sa kanilang mga pinagkukunan ng panggastos sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. 

Kahit ano na lang klase ng mga "source of income" ang pinasok ng isang tao para lamang may pagkukunan ng panggastos sa araw-araw. 

Usong uso ngayon ang tinatawag nating mga Repa o mas kilala bilang paluwagan. Maraming pwedeng gawin sa paluwagan, maaaring mag paluwagan ng gamit gaya ng mga gadgets at maging paluwagan ng pera.

Iyon nga lang, sa isang agreement na ito, siguraduhin muna na legit ang pinasukan na paluwagan, dahil kung hindi, tiyak na malulugi ka talaga.

Kagaya na lamang ng isang video ngayon na kalat na kalat sa Facebook, matapos marami ang na-iscam sa  nasabing pera mula sa paluwagan.

Sa isang Facebook post ng isang netizen na nagpakilala bilang isang biktima ng repa, ibinahagi niya ang isang larawan ng babae na nagngangalang Melanie Maglangit.

Sa kanyang post, sinabi niya na si Melanie ay isang umano sa mga scammers na nang scam sa mga miyembro ng nasabing paluwagan. 

Si Melanie Maglangit ay taga Davao City. Humingi ng tulong ang isang netizen na sana ay ma-hold ang lahat ng transactions ni Melanie sa kanyang bank account.


Sa isang video  na kumalat sa Facebook, maraming mga tao ang naghihintay sa nasabing scammer para umano maibalik ang kanilang pera at mai-release na ito sa kanila.

Kitang kita rin na marami ang kumukuha ng video sa paglabas ng naturang scammer at nakapaligid na rin sa kanya ang mga pulis dahil nagkakagulo na ang mga tao.

May isang babae sa video na nakaabang sa sasakyan ng nasabing admin at sinabi niyang hindi talaga siya aalis kung hindi ibabalik sa kanya ang kanyang pera na iniscam.

Sa isang video naman ng isa umano sa resellers ng nasabing paluwagan, umapela ang isang babae na hindi nagpakilala ng kanyang pangalan. 

Sinabi niya na wala umano siyang alam sa nasabing scam na nangyayari, kahapon lang ng gabi niya na nalaman na na-iscam na pala ang pera mula sa paluwagan. 

Isang babaeng nagngangalang Grace umano ang sinabing scammer sa Bohol. Nilinaw niya na legit umano ang nasabing paluwagan ng kanyang kasama sa trabaho na si Angel.

Kagabi lang niya nalaman na may pinsan pala si Angel na kapitbahay rin niya mismo na nagbebenta rin ng slots na nagngangalang Claire na konektado umano kay Sarah.

Si Sarah ang main na pinagkukunan ng pera at siyang tinuturong direct umano kay Grace. 

Ipinaliwanag niya na ang kailangan pang pera na dapat i-release ay nagkakahalaga pa ng Php 1.9 milyon. 

Sa kabila ng nangyari, dapat pa rin umanong magpasalamat ang mga tao dahil mabait ang kanilang mga admin dahil hindi umano sila tinakbuhan nito.

Sinabi niya na ang halagang Php 600,000 ay galing pa umano sa mga personal savings at extra income.  Ito ay mga pera umano na kanilang pinagtatrabahuhan. 

Sa kanilang paluwagan, mayroon umano silang mahigit 50 members. Hindi niya umano inakala na magkakaganito dahil okay ang paluwagan business nila noong simula.

Nangako umano ang admin na maibabalik lahat ng pera ng mga buyers na na-iscam. Ngunit, mababalik lang umano ito kung ano ang release date, doon pa makukuha ang capital. 

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa nasabing repa scam. Pinaghahanap na ngayon ng mga pulis ang nasabing puno't dulo ng pang i-iscam.

Source:  facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment