Hindi maipagkakaila na marami ang nabago ngayon dahil sa panahon ng pandemya. Maraming mga sistema ang higit na sinubok ng biglaang pagbabago.
Malaking parte ng populasyon ng ating bansa ay nawalan ng trabaho dahil sa biglaang pagsara ng mga kompanya at establisyemento dulot ng pagbagsak sa ekonomiya.
Maging ang mga paaralan at unibersidad ay nagsara at nasa online set-up na ang lahat ng mga pagtuturo at pagkatuto.
Sa sistemang ito, maaring modular learning o meron din ang tinatawag nating "blended learning" na kung saan ang mga estudyante ay natututo maging sa online man o hindi.
Kaya, ganito na lamang kahirap para sa mga estudyante ang manatili sa ganitong uri ng set-up. Marami ang napilitan na lamang para mapanatili pa rin ang mga basic health protocols.
Kagaya na lamang sa isang 36-second video clip na kumalat sa Facebook, kitang kita ang batang babae na si Iverleen Grace Rubio Pantukan, taga Davao de Oro, na katabi ang kanyang nakababatang kapatid na babae na tinuturuan ng module.
Sa video, madaling nakuha ang atensyon ng mga madla matapos emosyonal siya at umiiyak habang tinuturuan ang kanyang kapatid.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, labis ang kanyang pressure na nararamdaman dahil sa mga deadlines sa kanyang module at pati na rin sa kanyang kapatid.
“Honestly, for me being in this situation, it is very difficult especially because I can't quite understand the lessons without personally explaining it to me, and researching on the website can cause distraction sometimes.”
Nabanggit din ni Iverleen na ang bawat estudyante ay may iba't ibang "learning capabilities" at ang ibang estudyante ay mas nangangailangan pa ng elaboration para sa naturang lesson.
Matatandaang, may isang estudyante rin noon na nagviral matapos nasa labas ng bahay nag o-online class para may masagap lang na signal.
Nag-viral noon sa social media ang isang estudyante sa San Juan, Batangas na pumuwesto sa labas ng bahay para makasagap ng signal ngayong nag-o-online class siya habang may pandemya.
Gumamit ng kumot, mesa, at kawayan bilang cellphone holder sa labas ng bahay ang BS Mechatronics student na si Mark Joseph Andal para makadalo sa klase.
Kinuhanan ito ng retrato ng kaniyang kaibigan na si Joseph Palacio na humanga sa determinasyon ni Andal.
Isa ang online learning sa mga distance learning modes na ginagamit ng mga eskwelahan ngayon habang bawal ang face-to-face classes.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment