Friday, November 5, 2021

Babaeng Mahilig sa Milk Tea at Spicy Foods, Isinugod sa Ospital; Buong Istorya, Alamin Dito!


Sa panahon ngayon, marami ng mga pagkain ang pinagkakagiliwan ng mga kabataan na panay ang mga shared posts at stories sa mga food trends na ito. Dahil sa maraming mga kabataan ang gustong sumabay sa trend, naging patok ito sa mga bagets.

Isa sa mga tinutukoy na pagkain dito ay ang sikat na sikat na milktea. Maraming mga kabataan ang naaliw at naadik sa ganitong uri ng inumin. 

Iyon nga lang, may mga napabalita ng isinugod sa ospital dahil sa sobrang pag-inom ng milk tea o sobrang pagkain ng maaanghang na pagkain. Subalit marami pa rin ang hindi naniniwala at patuloy ang pang aabuso sa kanilang katawan.

Kaugnay nito, may isang netizen ang nagbahagi ng kanyang personal na karanasan na isinugod umano siya sa ospital dahil sa sobrang pag consume ng milktea at pagkain ng mga spicy foods. 

Sa Facebook post ni Jeff Nortez Serrano, sinabi nitong mahilig siyang uminom ng milk tea at lagi siyang gumagamit ng chilli sauce o chili oil tuwing kumakain siya.

“Every single day of my life hindi ako makaka-kain ng meal without “chili sauce” “chili oil” basta kailangan may spicy akong nalalasahan sa pagkain ko,” sabi ni Serrano.

Ayon sa kanya, bigla lang daw sumama ang kanyang pakiramdam. Sinubukan na lang niyang ipahinga ang kanyang katawan dahil akala niya pagod lang ang kanyang katawan. Uminom na siya ng gamot ngunit hindi pa rin umayos ang kanyang pakiramdam. 

“Nag take ako ng med para ma-lessen yung hilo ko pero walang nangyari so pahinga lang ulit ako,” sabi ni Serrano.

Sumakit na rin ang kanyang tiyan kaya dinala na siya sa ospital. 

Doon napag-alaman ni Serrano na dahil sa sobrang pag-inom ng milktea at pagkain ng spicy food ang naging sanhi ng kanyang naramdamang sakit.

Nakalabas rin agad ng ospital ang netizen ngunit kinailangan siyang turukan ng injections upang mawala ang sakit na nararamdaman. 


“Thank God, nakita agad sa check up ko before pa dumating sa point na magasgas na sikmura ko. Ngayon, maraming bawal pero mas ok na yon kaysa maulit pa ‘to,” sabi ni Serrano.

Sa huli ay nagbigay ng paalala si Serrano sa mga kapwa niya netizens.

“Please! Ingatan niyo sarili niyo. Hindi lahat ng masarap pwede sa katawan natin.. #HealthisWealth.”

Matatandaan, nag viral din noon matapos magbigay ng babala ang isang lalaki sa mga netizen na mag-ingat sa mga binibiling mga inumin gaya lang ng naranasan niya matapos siyang dumulong sa programang Raffy Tulfo in Action para magsampa ng reklamo. 

Sa video ng Wanted sa Radyo sa YouTube, umapela ang isang lalaki na nagngangalang James Daniel Correa. Sa kanyang Facebook post, nagbigay siya ng babala na mag-ingat sa pagbili at pag inom ng Nestlé Chuckie. 

Ayon sa kanyang post, hindi umano siya naniniwala sa mga ganitong mga kumakalat na post tungkol sa inuming ito hanggang siya mismo at ang kanyang anak ang siyang personal na nakakita ng laman ng nabili nilang chuckie. 

Nang pinabuksan daw iyon ng kanyang anak sa lolo nito, sobrang excited daw itong inumin at higupin ngunit maya maya lang din ay binigay niya ang kanyang chuckie sa kanyang lolo. 



Napansin daw ng paslit na kakaiba ang lasa at agad naman nilang tinikaman kung totoo ba talagang kakaiba ang lasa nito. 

Nang matikman nila ang nasabing chuckie, maasim at mapait ang lasa nito. Kaya para masiguro talaga na ligtas ba ang kanilang iniinom, nagpasya siyang gupitin ito at iyon ay nakita niya ang katotohanan na totoo pala ang isyu. 

Ayon kay Daniel, ang laman nito ay parang may lumot at may amag na sa ibabaw. Ang chuckie ay hindi na siya ganung malapot, naging malabnaw na ang inumin. At yung kulay puti na nasa ibabaw ay parang utak.

Sa ipinakitang sample ng nainom nilang Chuckie, hindi naman expire ang nabiling produkto. Nakalagay pa sa pakete ng mismong chocolate drink na October 2021 pa ang expiration date nito.

Source: thedailysentry


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment