Isang nakakainspire na kwento na naman ang kumalat sa social media matapos ibinahagi ng Facebook page na Definitely Filipino ukol sa isang batang lalaki na nakasabay ang isang babaeng suki sa tindahan ng mga pagkain at iba pang kagamitan para sa mga hayop.
Kinilala ang batang lalaki na si Alden, kinuhanan ito ng litrato habang bumibili ng pagkain para sa pusa sa nasabing tindahan.
Ang babae umano na nag post ng mga larawan ni Alden ay may nais ring bilhin sa tindahan kung saan nakita niya ang ang batang lalaki habang namimili ng kanyang pagkain na bibilhin.
Matapos makapamili ay tinanong ng tindero ang bata kung ilang kilo ang bibilhin nito, nahihiyang namang tumugon si Alden dito ng.. "Sampung piso lang po"
Hindi naman napigilang ng babaeng naghihintay na suki di umano ng tindahan at sinabi sa tindero na dagdagan pa ang binili ni Alden ng halagang P50 piso ang pagkaing binili nito.
"Maraming Salamat po!" Laking pasasalamat ng bata sa ipinakitang kabutihang loob sa kanya ng 'di kilalang babae.
Napag-alaman din na ang pagkaing binili ni Alden ay para sa kanyang pusa na umano’y buntis.
Dahil sa nakakaantig na kwento ng maalagang bata ay nagpaka- "Willie Revillame" si ate at isinigaw sa tindero na "Bigyan pa ng isang supot iyan!"
Bukod dito ay inabutan pa ng munting halaga si Alden para pang gastos nito sa kanyang sarili.
Ngunit tinanggihan ito ni Alden kahit na sinabi pa sa kaniya na 'deserve' niya ito dahil isa siyang natatanging bata.
Kaya pinayuhan nito si Alden na ituloy lang ang pagmamahal sa kanyang alaga. Sa huli ay tinanggap na ng bata ang alok na pera at muling nagpasalamat.
Pauwi na sana ang babae pero lalo pa itong humanga sa batang si Alden ng makita niya itong ginamit ang ibinigay niyang pera, para ipambili pa ulit ng isa pang supot ng pagkain ng pusa.
Kaugnay ng istoryang ito, nag viral din noon ang isang Facebook post ni Chriszel Singson Vicente na empleyado ng isang insurance company kung saan ay ibinahagi nito ang nakakaantig pusong kwento ni Kervy.
Ayon kasi kay Chriszel, si Kervy ay kumatok sa pintuan ng kanilang office para mag-apply ng trabaho bilang isang janitor upang makabili ng kanyang school project.
“Na curious kaming lahat, pinapasok namin. Nasa booth ako noon, lumabas ako para kausapin siya. Sa totoo lang, naawa ako, kasi sa office may suki na talaga ako na lumalapit at binibigyan ko every month. Itong si Kervy, iba.
Nag offer ng service... napahanga niya talaga kaming lahat, tapos pag interview namin sa kanya ang hirap pala ng current situation nya.” ayon kay Chriszel
Kwento ng bata, naninirahan umano siya sa kanyang lola kasama ang tatlo pa niyang kapatid na magkaiba ang tatay.
Ang kanyang tunay na tatay ay matagal na umanong sumakabilang-buhay habang ang kanyang ina naman ay mayroon ng ibang kinakasamang lalaki na hindi nagbibigay ng suporta sa kanya.
“11 years old si Kervy ngayon, ka edad ko lang yung mama nya nung pinanganak siya. Same age nung pinanganak ko anak ko at 21. Personally, masakit talaga saakin bakit ganun ang sitwasyon niya.
As a single mom, masakit talaga. Kawawa si Kervy. Pero ang swerte [ng pamilya nya] sa kanya. [Si Kervy] ay masipag, may pangarap.” dagdag pa nito.
Dahil sa namangha ang mga tao na nandoon sa opisina dahil sa kwento ni Kervy, ibinigay na lamang ang halaga na kailangan niya at hindi na siya pinagtrabaho pa.
Si Kervy ay ilan lamang sa mga batang may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral para maabot ang mga pangarap sa buhay. Ayon kay Kervy, pangarap niyang maging piloto balang araw.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment