Naglabas ng makahulugang post si Caffey Namindang matapos ang lumabas na vlog ng kanyang dating kasintahan na si Christian Merck Grey o mas kilala bilang Makagwapo.
Ito ay matapos nagpakita ng isang dokumento si Makagwapo na ang kanyang asawa lang ang may karapatang gamitin ang pangalang Makaganda.
Ang nasabing link sa vlog ni Christian ay ibinahagi din ng kanyang misis na si Pam Esguerra sa kanyang Facebook account.
Nagbigay din siya ng kanyang babala sa mga taong gumagamit pa rin ng pangalang Makaganda.
"Pina-TRADEMARK NG ASAWA KO ANG MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.)
Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo. Maraming Salamat po," sulat ni Pam.
Matapos kumalat ang balita tungkol sa pagpapa-trademark ni Christian sa pangalang Makaganda sa kanyang misis, hindi nagpatinag si Caffey Namindang.
Pasimple nitong sinabi na siya pa rin ang orihinal na Makaganda sa kabila ng babala ng mag-asawa na kakasuhan nila ang taong patuloy na gumagamit sa pangalang iyon.
Sa kanyang Facebook post, ginamit niya ang hashtag na #realMakaganda.
Marami namang mga netizen ang patuloy na sinusuportahan pa rin ang unang binansagan na Makaganda na si Caffey Namindang.
"Kinasal nangat lahat anyare ?lahat naba kukunin scary
"Kasuhan mo na kaya pati tiktok youtube google na ginagamit ang makaganda pero muka ko ang lumalabas owshee."
May mensahe din siya para sa isang taong hindi na niya pinangalanan ngunit tinawag niyang tita.
"Mang aapak ka ng tao kasi mas may pera ka? mali yun tita . wala e panahon nyo ngayon e .hintayin nyo pag panahon ko na at malapit nayun."
Maalalang, nagkaroon ng matinding alitan noon sina Christian Merk Grey at Caffey Namindang.
Ito ay tungkol umano sa ginamit ni Makagwapo ang pera na inilaan para sa kanilang pagpunta sa Canada sa pagpapa-renovate ng kanyang sariling bahay.
Sinabi ni Makagwapo na regular daw pumupunta ang kanyang ex-girlfriend sa barangay hall para magreklamo at nanghihingi ng pera sa kanya at pagkatapos sa barangay ay sa pulis naman at hindi pa rin nakuntento, pinuntahan din nito ang mayor.
Nilinaw naman ni Christian ang isyung ito. Ayon sa kanya, matagal na niyang ibinigay ang share na hinihingi ng kanyang ex-girlfriend at binura na rin niya ang YouTube videos nilang dalawa.
Dagdag ni Christian, inakusahan din siya ng harassment at defaming online ng kanyang ex-girlfriend sa isyung ang joint Canada funds nila ay siyang ginamit pangpa-renovate ng kanyang bahay.
Gusto ng kanyang ex-girlfriend na si Caffey Namindang o mas kilala na ‘Makaganda’ na magkaharap sila ni Christian Merck upang mapaghatian ang perang para sa Canada. Ngunit hindi sumulpot si Christian Merck.
Rason din ni Christian sa hindi pagpunta ay sinabi daw ng kanyang attorney na hindi kailangan pumunta kasi wala namang warrant of arrest. At maaari siyang kasuhan nito pag meron ng ebidensiyang iginiit laban sa kanya.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment