Ilang araw lamang matapos ikinasal ang vlogger na si Christian Merck Grey o mas kilala bilang Makagwapo, sa kanyang partner na si Pam Esguerra, nag trending ang sa tungkol pagpapa trademark niya sa pangalang Makaganda sa kanyang misis.
Sa kanyang vlog, may isang dokumento na ipinapakita na nagpapatunay na si Pam lang ang umanong legal at may karapatang gamitin ang pangalang Makaganda.
Ibinahagi naman ni Pam ang link sa nasabing video sa kanyang Facebook account kasabay ng kanyang babala sa mga taong gumagamit pa rin ng pangalang Makaganda.
"Pina-TRADEMARK NG ASAWA KO ANG MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.)
Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo. Maraming Salamat po," sulat ni Pam.
Matatandaang, Nagpahayag noon si Makagwapo ng kanyang ‘rants’ sa isang episode sa kanyang YouTube video tungkol sa kanyang ex-girlfriend na sinasabing pina-pulis at pina-mayor daw siya dahil ibinulsa ang perang gagamitin sana nila sa Canada.
Makagwapo o kilala sa tunay na buhay na si Christian Merck Grey ay sikat na YouTuber at vlogger na naging viral ang isyu tungkol sa kanyang ex-girlfriend.
Sinabi ni Makagwapo na regular daw pumupunta ang kanyang ex-girlfriend sa barangay hall para magreklamo at nanghihingi ng pera sa kanya at pagkatapos sa barangay ay sa pulis naman at hindi pa rin nakuntento, pinuntahan din nito ang mayor.
Nilinaw naman ni Christian ang isyung ito. Ayon sa kanya, matagal na niyang ibinigay ang share na hinihingi ng kanyang ex-girlfriend at binura na rin niya ang YouTube videos nilang dalawa.
Dagdag ni Christian, inakusahan din siya ng harassment at defaming online ng kanyang ex-girlfriend sa isyung ang joint Canada funds nila ay siyang ginamit pangpa-renovate ng kanyang bahay.
Gusto ng kanyang ex-girlfriend na si Caffey Namindang o mas kilala na ‘Makaganda’ na magkaharap sila ni Christian Merck upang mapaghatian ang perang para sa Canada. Ngunit hindi sumulpot si Christian Merck.
Rason din ni Christian sa hindi pagpunta ay sinabi daw ng kanyang attorney na hindi kailangan pumunta kasi wala namang warrant of arrest. At maaari siyang kasuhan nito pag meron ng ebidensiyang iginiit laban sa kanya.
Sinopla din ni Christian ang pamilya ng kanyang ex-girlfriend sa pagtawag sa kanya na “kuba” sa social media at dinamay pa ang kanyang bagong girlfriend na si Pam Esguerra na laging tinatawag na retokada.
Kung ipagpatuloy pa ng kanyang ex-girlfriend ang harassment at defaming online, nagbitiw ng warning si Christian na hindi siya magdadalawang isip na mag-file ng case laban sa kanyang ex-girlfriend.
Ayon pa ni Christian, itigil na ang paggawa ng mga dummy accounts para lang mambash sa kanya at magsalita ng hindi maganda laban sa kanya at ng kanyang bagong girlfriend.
Matandaang nag viral din ang isyu tungkol kay Christian Grey at Pam Esguerra na side chick umano ni Christian si Pam ayon sa kanyang ex-girlfriend.
Itinanggi naman ni Pam ang lahat ng akusasyon na nagcheck-in sila sa parehong hotel at magkasabay sa isang sasakyan na ibinunyag ng ex-girlfriend ni Christian.
Buwan na ang nakalipas nang pumutok ang isyung inakusahan si Christian ni Caffey sa pagiging unfair pagdating sa earnings sa YouTube.
Tungkol sa pagpapa trademark ng pangalang Makaganda, nagbigay naman ng reaksyon si Caffey Namindang, unang binansagan na Makaganda ukol dito.
Sa kanyang Facebook post, ginamit niya ang hashtag na #realMakaganda.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment