Patuloy pa rin ang mainit na usapin ngayon tungkol sa pag-aalis ng polisiya hinggil sa pagsusuot ng face shield sa publiko.
Maaalalang, naglabas ng isang executive order ang lokal na pamahalaan ng Maynila na nagsasabing non-mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar maliban na lang sa mga pagamutan.
Kaugnay niyon, naglabas si Presidential Spokesperson Harry Roque ng isang pahayag na nagsasabing walang bisa ang executive order ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso dahil labag daw iyon sa umiiral na executive policy na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Null and void siya for being in violation of an existing executive policy decreed by the President himself in the exercise of police powers,” ani Roque.
Hindi pa naman talaga malinaw kung tuluyan ng alisin na ang pagsusuot ng face shield. Isa umanong panibagong patakaran ang ipapatupad ng Department of Health.
Gagamitin na umano ang goggles kapalit ng face shield.
Sa isang media briefing, tinanong si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire kung kinukonsidera ng Department of Health (DOH) na irekomenda ang pagsusuot ng goggles at double face masks kapalit ng face shield.
Sagot ni Usec. Vergeire, bahagi raw sa mga napag-uusapan ng DOH at mga health experts ang goggles. Aniya, pinoprotektahan ng goggles ang ating mga mata mula sa droplets at aerosols.
“Iyan talaga ang direction ng pag-uusap. Primarily, kaya natin minandate na ang face shields ay gamitin natin for us to protect our eyes because there are evidence to state na ang COVID-19 can also penetrate ang eyes natin at pwede tayo maimpeksyon. Pinag-uusapan lahat ito, the possibility of these goggles and the others, nandyan po iyan,” aniya.
Hindi naman sang-ayon si Mayor Isko Moreno sa paggamit ng goggles kapalit ng face shield.
Really? Naghahanap na naman sila ng gastusin sa tao? You cannot ask people to continue to spend on something that is not viable, that is not feasible and that is not helpful… Hirap na hirap na ang tao. Mas mahal ‘yung goggles,” reklamo ng alkalade.
Kamakailan lang, kumalat din ang post na ito ng isang lalaki na sakay ng kanyang motor at naka full helmet. Laking gulat na lang niya dahil may nag-issue sa kanya ng ticket dahil hindi raw siya nakasuot ng face mask.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Joe Jay Distor, nagmamaneho ito ng kanyang motor kahapon (October 26, 2021) ng umaga nang madaanan nito ang checkpoint ng PNP sa bahagi ng Adventist Hospital.
Dagdag pa nito, itinaas lamang niya ang lens ng kanyang helmet at walang violation nang i-check ng PNP personnel ang kanyang lisensya at OR/CR, subalit nagtaka na lamang ito nang bigyan ng ticket dahil sa violation na hindi pagsuot ng facemask.
Paliwanag ni Distor, sakto lamang sa kanyang ulo ang full face helmet at masisira ang face mask kapag isusuot.
Samantala, ipinakita naman nito ang dalang face mask at ginagamit niya lamang kapag huhubarin na ang helmet, ngunit iginit ng pulis na may ipinatutupad na ordinansa na bawal ang hindi naka-face mask.
Marami naman ang nagalit sa inasta ng PNP personnel dahil sobra na umano ang kanyang pakikitungo sa nasabing motorista.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing post:
“Hirap jan wala kang karapatan mag rason..Nagpapaliwanag ka pa lang na ticketan ka na...Consideration nman mamang sir...naku po!!”
“Walang puso ang nag issue ng violation ticket, pwede naman pagsabihan at wala nmang naapektuhan dahil nag dadrive nga. D makatao, only here in puerto princesa city palawan, calling all government agency, tama na po ang pagpapahirap sa mga tao mabuti kayong nka pwesto busog, kami nganga + may violation pa, hay naku napaka OA na dna tama ito. Pasko na ano ba.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment