Labis na naantig ang puso ng maraming mga netizen matapos kumalat sa social media ang isang istorya tungkol sa isang pusa na naramdaman umano ang pag alis ng kanyang amo.
Sa mga larawan na ibinahagi ng isang netizen na si Jhyam Delfinado Dannie, ipinakita niya ang isang pusa na alaga niya mula sa Riyadh.
Uuwi kasi ng Pinas si Jhyam para dito na muna pansamantalang mamamalagi. Kaya, maiwang mag-isa ang kanyang alagang pusa.
Ngunit, tila nakaramdam umano ng kanyang alagang pusa na aalis na ang kanyang amo. Naramdaman din ng pusa na hindi umano siya isasama ng kanyang amo sa Pinas.
Kaya, makikita na lamang sa larawan na ipinagsisikan ng pusa ang kanyang sarili sa loob ng maleta na may lamang mga gamit ng kanyang amo.
Tila sasabihin ng kanyang alagang pusa na , "na kahit doon siya ilagay ay ayos lang" basta't kasama siya ng kanyang amo sa pag-uwi nito sa Pinas.
Nang nag viral ang post na ito, maraming mga netizen ang naantig ang mga puso at nagtanong na rin kung bakit hindi isasama ng nasabing amo ang kanyang pusa.
"Hala bakit hindi mo sinama? Kung kulang budget niyo, maraming tao ang gustong tumulong para makakuha ka ng papers kawawa naman kasi magiging pusang gala lang yan jan sa riyadh," komento pa ng netizen.
Umani ang post na ito ng samu't saring komento at umabot ito sa 11k shares at 14k reactions.
Kaugnay ng kwentong ito, isang nag viral na post sa social media din ang tungkol sa ibinahaging mga larawan ng isang maitim na pusa habang nakahiga sa may tapat ng isang nakakab4ong na sanggol.
Sa mga photos na ibinahagi ng Public Information Office ng Asingan sa Pangasinan, kita kita ang itim na pusa na nasa tabi ng casket ng isang 26 days old baby.
Ayon sa pamilya ng namaalam na sanggol, nagulat na lang umano sila nang bigla na lang tumabi ang kanilang pusa sa casket ng sanggol.
Pinapaalis na rin umano nila ang kanilang pusa sa tabi ng kanilang baby, ngunit sa tuwing nakikita umano ng kanilang pusa na walang kasama ang kanilang baby, bumabalik ito.
“Noong una po pinapalayo namin tapos bumabalik po siya. Tapos noong walang maiiwang makakasama ’yung baby namin... bumabalik po siya.
Sinabi namin, ’Sige diyan ka muna bantayan mo muna si ading mo ah?’” sabi ng nanay ng sanggol na si Evelyn Romero.
Ayon naman sa PIO ng Asingan, na saad pa ng isang animal behavior expert, ang biglaang pagbabago sa kanilang environment ay nakakaapekto din sa mga mental state ng mga hayop.
“Anumang kalungkutan na nararamdaman ng hayop ay kaakibat ng biglang pagkawala ng malaking bagay na bahagi noon ng pang-araw-araw na buhay nito,” aniya.
Sa kwentong ito, masasabi talaga natin na hindi basehan kung sino at ano ka para iparamdam mo sa isang tao o maging hayop man niyan na mahalaga sila.
Source: wearepinoy
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment