Ang pagkakaroon ng mabuting magulang ay isa sa mga itinuturing na tanging yaman ng mga anak. Sabi pa ng iba, marami umano ang naghahangad na magkaroon ng mga mga magulang na kayang magsakripisyo alang alang sa kanilang mga anak.
Kaya naman agad na nag-viral ang mga larawan ng mag-ama na bumibili ng sapatos sa isang shop.
Sa Facebook page na ‘Heaven Elements’, ibinahagi nito ang mga larawan ng isang matandang lalaki kasama ang anak nito habang bumibili ng sapatos.
Makikita sa ibinahaging mga larawan na nagbibilang ang isang matandang lalaki ng kanyang mga naipon na barya para pambili umano ng sapatos para sa kanyang anak.
Kitang kita rin ang bakas ng mga ngiti sa mukha ng matandang lalaki dahil sa wakas nabili na rin niya ang sapatos na inaasam ng kanyang anak.
“Hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan..” ayon sa post.
Basahin ang huong post ng nasabing page tungkol sa nakaka-inspire na kwento ng matandang lalaki:
"Guys! Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos, hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan.. Wow! dakila ka tatay, saludo kami sa'yo nawa'y marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo.."
Sa kabilang banda, isang kwento rin ang labis na nagpamangha at napasaya ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos sinorpresa siya ng kanyang anak at ng kanyang asawa sa kanyang pag-uwi.
Labis na kasiyahan ang nadama ng isang ina na nagpakahirap magtrabaho sa ibang bansa nang sa kaniyang pag-uwi ay sopresahin siya ng kaniyang mister at mga anak ng Php 300,000 na inipon mula sa ipinapadala niyang pera.
Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Huwebes, sinabing sinimulan ni Rogelio Fortes ng Agoo, La Union na mag-ipon nang mag-OFW ang kaniyang kabiyak na si Rodelyn.
Ang mga ipinadalang pera ni Rodelyn para sa kanyang asawa at anak, hindi umano ito ginastos ng kanyang asawa at kung minsan nga raw ay dinadagdagan pa ni Rogelio, asawa ni Rodelyn.
Kaya, pag-uwi ni Rodelyn sa Pilipinas, labis siyang nasorpresa sa nakita niyang naipong bande-banderang pera ng kanyang anak at asawa mula sa kanyang mga ipinadala.
"Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako," anang mister.
Dahil sa ipon, naipaayos nila ang kanilang bahay at nakabili ng sidecar at motorsiklo.
"Hindi ko lubos maisip na ganun yung maiipon niya kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait saka sa Malaysia," ayon kay Rodelyn.
Proud na proud din ang mag-asawa dahil kahit sa ganoong paraan, naituro at naipakita nila sa kanilang anak ang kahalagahan ng pag-iipon.
Ang kwentong ito ay isa lamang inspirasyon sa lahat na mahalaga talaga na ginagastos ang pera sa tamang paraan at hindi winawaldas lang ng basta-basta.
Source: thedailysentry
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment