Thursday, November 4, 2021

111-anyos na Centenarian, Hindi pa Natanggap ang Php 100, 000 Cash Gift Magmula nang Siya ay Tumuntong sa Edad na 100!

Bawat tao ay isinilang na may karapatan sa mundo na kanyang ginagalawan. Marami ring mga pribilehiyo ang binibigay ng ating gobyerno sa mga taong lubos na nakakapag-inspire ng marami.

Kagaya na lamang sa nakasaad sa Republic Act 10898 na ang sino mang Pilipino na aabot sa edad na isang daang taon ay mabibigyan ng cash gift na nagkakahalaga ng P100,000.

Ngunit, iyon nga lang sa kasamaang palad, marami rin sa ating mga Pilipino ang hindi rin natanggap ang kanilang cash gift na kahit lumagpas na ang kanilang edad sa 100. 

Katulad na lamang ni Lola Juana Pulga na magdiriwang ng kanyang ika-111 kaarawan noong nakaraang Mayo 20.

Sa Facebook post ni Kathlyn May Mallari Acudesin, ang apo ni lola Juana, nanawagan siya at humingi ng tulong na sana raw ay makuha na ng kanyang lola ang centenarian gift dahil mahigit isang dekada na ang nakalipas magmula nang ito ay umabot sa 100 taong gulang.

Si lola Juana ay kasalukuyang nakatira sa San Jose Del Monte, Bulacan at ang kanyang apo ay humingi na rin ng tulong sa mga netizen para may pambili ng prutas at gamot sa kanyang lola. 

Narito ang kanyang buong post:

“Magandang Araw po sa inyong Lahat Humihingi po Sana ako ng konteng Tulong para po sa Aking Lola na si Juana Pulga Kasalukuyan po siyang Nakatira sa kanyang Anak na Si Danilo Pulga na Nakatira po Sa BLK 60 LOT 14 BB-3 SAN JOSE DEL MONTE BULACAN. Ang Lola ko po ay isang Centenaryan Ang kanya pong Edad Ay 111 po ngayong Darating Na Mayo 20 ,2021 kasalukuyan hindi pa po siya nakakatanggap ng 100,000 Sana matulungan niyo po Kami Kahit Pambili lang po ng Prutas Gatas at Pampers nya po . Maraming Salamat at Godbless po 

Contact Number: 09530663160

Pashare Naman po Ng Post ko Salamat po.”

Samantala, ikinalulungkot namin na pumanaw na pala si lola Juana noong Hunyo 28, 2021. 

Kaugnay ng kwentong ito, matatandaang na nag viral noon ang isang nurse na ibinahagi kung gaano kahirap ang maging nurse sa Pilipinas. Alam ng marami na hindi kalakihan ang sweldo ng mga nurses at mga doktor kaya nais na lang nilang makabawi sa kanilang mga “special risk allowance.”

Kaugnay nito, nag viral sa social media ang post ng isang nurse na nagngangalang Gershom Sage Reyes Rivero kung saan ay ipinakita niya sa publiko ang halaga na natanggap niyang allowance mula Disyembre ng taong 2020 hanggang Hunyo ng kasalukuyan na taon. 

Makikita na hindi kalakihan ang halaga nito at aminado siyang hindi niya alam kung paano ito nangyari dahil sa katunayan nga, ang ginawa nilang pag aalaga ng mga pasyente sa ospital lalong lalo na sa mga COVID-19 patients ay sobrang risky na. 

Sa photo na kanyang ibinahagi, Php 3,863.63 ang kabuuang halaga ng natanggap niyang allowance mula sa Disyembre ng taong 2020 at hanggang sa Hulyo sa kasalukuyang taon na galing umano sa Department of Health.

"I'm not the only one to say that I was utterly disappointed with how this turned out. I honestly do not know what went wrong,” pahiwatig ng nurse.

Bungad pa ni Gershom, hindi lang siya umano ang nag-iisang medical frontliner ang labis na nadismaya nang matanggap nila ang kanilang special risk allowance. 

"The mere fact lang na sa ospital tayo nagtatrabaho at naghahandle ng pasyente is already a risk. Wala ka na ngang hazard pay, parang pinagkait pa sayo yung SRA,” sabi ni Gershom.

Gayunpaman, sa kabila ng hindi pagbibigay sa kanila ng sapat na atensyon, labis pa rin na nagpapasalamat si Gershom dahil sa kabila ng napaka risky ng kanilang trabaho, nananatili pa ring malakas ang kanyang pangangatawan at wala umano siyang iniindang karamdaman kahit na magdamag itong nag-aalaga sa mga pasyente. 

"Probably the big takeaway here is I'm still healthy, my family is safe, may nakakain naman ako 3x a day at may inspirasyon sa araw araw. So salamat padin!,” paglalahad ng nurse.

Basahin ang kabuuang post ni Gershom sa kanyang social media account:

Today I finally received my Special Risk Allowance from DOH after months of waiting. This allowance covers the months of December 2020 up to June 2021.

I'm not the only one to say that I was utterly disappointed with how this turned out. I honestly do not know what went wrong. While many of my colleagues did receive their rightful allowances (you guys deserve it, dont get me wrong), there are also those that received way lesser than what I have right now, yung iba nga wala pang na receive. It's a big slap in the face of many nurses. Kung exposure lang ang pag uusapan, lahat tayo exposed. The mere fact lang na sa ospital tayo nagtatrabaho at naghahandle ng pasyente is already a risk. Wala ka na ngang hazard pay, parang pinagkait pa sayo yung SRA.

Probably the big takeaway here is I'm still healthy, my family is safe, may nakakain naman ako 3x a day at may inspirasyon sa araw araw. So salamat padin! ❤

#SpecialRiskAllowance #DOH #Nurses

Source: thedailysentry


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment