Thursday, December 2, 2021

Concert Producer ng Ex B, Dinepensahan ang Php 35K Ticket Price: 'BTS na rin ang datingan nila'

Gigil na gigil ang mga netizen matapos dinepensahan ng concert producer na si RS Francisco ang nag viral na Ex Battalion's ticket price. 

Ayon kay RS Francisco, ang Filipino hip hop group ay 'almost equal' sa labis na tinangkilik ng mga Pilipino, ang South Korean boyband na BTS. 

Humakot ng samu't saring kritisismo ang Ex Batallion's Group matapos nag release ng kanilang ticket price na nagkakahalaga ng Php 300-Php 35,000. 

Ito ay para lamang sa tatlong oras na online concert sa Araneta Coliseum sa darating na December 11.

Ayon sa ulat ng PEP, dinepensahan umano ni RS Francisco ang price ng ticket at dito niya sinabi na kahit hindi man sila K-pop, 'almost equal ang Ex Battalion group  sa BTS. 

“Of course, alam natin na hindi sila K-pop, pero ang equivalent nila, sila ang talagang hip-hop stars na parang BTS na rin ang datingan nila,” paliwanag ni RS Francisco. 

Sinabi rin ni RS na ang grupong Ex Battalion ay napapanatili nila ang kanilang 'prominence' sa social media. 

’Yung Instagram ko at saka ang Facebook ko, ang daming nagme-message sa akin dati about Frontrow. 

Pero noong makita na meron akong My Day about EXB, ang dami nang nagme-message sa akin, kumusta si ganito? Ano ba ang latest?” aniya. 

“As in ang dami na talaga na ang grabe ng clamor sa kanila. So masasabi ko na hindi man sila K-pop, pero parang kapantay na nilang talaga ang ano ng BTS,” dagdag pa ng concert producer.

Ang 'most expensive' ticket ng "EVOLUXION" ay may kasama ng "greetings with the group" via Zoom. "EXB Inside Kwento" via zoom din at signed EXB poster.

May kasama din itong EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt at jacket. 


Dagdag pa dito ang exclusive dinner kasama ang EXB at exclusive access sa Listening Party (inclusive of cocktails) featuring mga never-before-heard (unreleased) EXB tracks. 

Ang concert na "EXVOLUXION" ay gaganapin ang kanilang kauna-unahang "talk of inspirational stories," mga 'rags-to-riches stories nila at kung paano ang kanilang buhay bago pa sila sumikat. 

Marami naman sa mga netizens ang gigil sa nasabing ticket price at nagbigay na rin kani-kanilang mga komento kaugnay sa post na ito:

"this is more than we paid for front row Alanis tickets, and i've never heard of them"

"Kayo naman syempre sasabihin nya yun kasi prodyuser. Kailangan i-build up, kailangan i-promote, kailangan may gimik para pag usapan mga alaga nya, kahit pilit at wala sa lugar."

"this is so wala akong masabi kundi awit, probably improve your production and at mapasama nman kau sa listing ng foreign record media mileage then saka ka maningil ng 35K online. In short let your art speak for its price, d un need mo p idefend"

Ang grupong ito ay mayroong members na sila si Honcho, Skusta Clee, Flow-G, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, Jroa, Yuridope, Jekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent and E.I.J .

Ang show na ito ay nag highlight sa "Frontrow" sa kung paano ipinagpatuloy ng kumpanyang ito ang commitment at support para i-promote ang world-class Pinoy talents at productions. 

Ito rin ay nag nag-mark ng milestone sa dalawang taon na partnership ng Ex Battalion group at ng Frontrow.

Source: facebook
 

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment