Thursday, December 2, 2021

Angeline Quinto, Tatlong Buwan na raw Preggy sa Non-showbiz Boyfriend? Alamin Dito!


Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang kumalat na balita na tatlong buwan na umanong  nagdadalang-tao ang isang kilalang singer-actress na si Angeline Quinto.

Marami rin ang nagsabi na kaya nga umano hindi nasagot ni Erik Santos nang nakapanayam siya ni Cristy Fermin sa kanyang programa na “Cristy Ferminute” nitong Martes ng hapon dahil ayaw niya na sa kanya manggaling ang salitang ito.

Napainom ng tubig si Erik at ang tanging nasabi ni ‘Nay Cristy ay, “Okay na ‘yang statement mo, pag inom mo ng tubig.”

Oo nga naman hindi dapat manggaling kay Erik ang kasalukuyang estado ngayon ng babaeng minsang napalapit sa puso niya bilang respeto sa kasalukuyang karelasyon ngayon ng dalaga.

Ayon naman sa isang source, mag-aanunsyo naman daw umano si Angeline sa publiko at baka sa kanyang concert sa Metropolitan Theater at ipapakilala raw nito ang ama ng ng kanyang dinadala.

Matagal na rin namang gusto ni Angeline na magkaroon ng anak kahit noong nabubuhay pa si Mama Bob, pero ‘yun nga wala naman kasi siyang boyfriend noon.

At ngayong wala na nga ang adoptive mother niya kaya nagdesisyon na rin siyang mag-anak kahit hindi pa kasal para may makasama siya at maibsan ang pangungulila niya sa pagkawala ng taong mahal na mahal niya.

Sa ngayon, wala pang sagot si Angeline tungkol sa isyung ito. 


Matatandaang, marami ang nagambala at nagtaka sa pinost ng isang singer-aktres dahil sa kanyang naging post niya sa kanyang Instagram account na nasa programang Tulfo kasama ang kanyang dating kasintahan na si Erik Santos.

Trending lagi at lumalagablab na isyu ang pinag-uusapan kapag nasa programang Tulfo kasama ang batikang brodkaster na si Raffy Tulfo sa.

Tinagurian itong “pambansang sumbungan at sandigan” sa mga taong nais makamit ang hustisya at gustong mabigyan ng kalinawan ang lahat ng mga kaguluhan o mga pangyayari na nais bigyan ng solusyon. 

Kaya naman hindi maipagkakaila na kapag ang isang tao, dalawa o mahigit pa ay makikita sa programang Tulfo, iisipin ng karamihan na may mabigat na problema ang mga ito at hangad na matulungan ng pambansang sumbungan. 

Sa post ng singer-aktres sa kanyang Instagram account, marami ang nagulat at labis na nangamba para sa relasyon ng dalawa.

“Maayos tayong nag-umpisa. Bakit naman umabot sa ganito Pogs@eriksantos? Pasensya na ho Sir Raffy,” ani pa ni Angeline Quinto sa kanyang post.

Marami ang nagulat sa post ng isang aktres. Buong akala ng iba na maayos at payapa ang relasyon ng dalawa. Isa sa mga hinahangaang celebrity couple noon.

Ngunit, nabulabog ang lahat nang nalamang ‘biro lang pala ang lahat. Marmi ang natawa sa post ng aktres sa kanyang Instagram account sa ginawang pagrereklamo niya kay Erik Santos.

“HAHAHAHA, sobrang natawa ako, yung tipong nag check ako ng YouTube channel ni Tulfo,” sabi ng isang comment.

Ang kaibigan niyang singer-aktres na si Klarisse De Guzman, nagbigay ng komento at sabay sabi ng “Tuloy ang kaso!, kasunod ang mga laughing emojis. 

Sa kasalukuyan, magkasama sina Angeline Quinto at Erik santos sa programang It’s Showtime kung saan sila ay ay hurado ng Tawag ng Tanghalan. 

Dito madalas na nagkaka-asaran ang dalawa kasama ang mga hosts, Vice Ganda, na minsa’y tinutukso pa ang dalawa. 

Matatandang dating magkarelasyon ang dalawa at isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz dahil sa parehong magka-vibes ang dalawa pagdating sa pagkanta. 

Marami din ang nakapansin at isa na dito ang kanyang dating boyfriend na si Erik Santos na naging blooming lately si Angeline at nabanggit niya may bago na siyang boyfriend nang nagkaroon sila ng serious conversation ni Vice Ganda sa programang It’s Showtime.


Sinabi ni Vice Ganda na may boyfriend na si Angeline at gusto niyang respetuhin si Erik sa Tawag ng Tanghalan bilang mga hurado sa nasabing segment. 

Nang tinanong naman siya ng mga hosts ng It’s Showtime, sinabi niya wala siyang microphone na hawak noon kaya hindi niya nasabi ang tungkol sa kanyang bagong boyfriend. 

Si Angeline Quinto ay isang showbiz personality na sumikat matapos manalo sa Star Power, Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar.

Source: bandera

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment