Isang nakakalungkot na balita ang sumalubong ngayon sa mga netizen matapos kinumpirma ang pagkamatay ng isang sikat na boksingero noon matapos itong makuryente sa Magsaysay, Davao del Sur.
Ang biktima ay kinilalang si Gerardo 'Gerry' Quiñones, 47 anyos, laborer at dating ‘Super Featherweight’ champion noon sa larangan ng boksing noong 1996.
Ayon sa ulat, aayusin lang sana ng biktima ang isang bubong sa second floor sa isang building sa Barangay Poblacion.
Ngunit, nang umakyat na ito sa rooftop, aksidente siyang natamaan ng linya ng Davao del Sur Electric Cooperative o DASURECO dahilan ng nakuryente ang biktima.
Dahil sa sobrang lakas ng impact ng kuryente sa katawan ng biktima, hindi nakayanan ng biktima at diretsong nawalan ng buhay ang biktima.
Maraming mga netizen ang nagparating ng kani-kanilang mga pakikiramay sa nasabing biktima. Marami rin ang nagsabi na idolo nila ang nasabing dating nag kampeon sa Super Featherweight sa larangan ng boksing.
“My deepest sympathy to the family...condolence.. maremember jd nako nahitabo sakong brother main line pd ang nikuha sa iya kinabuhi...ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜”
[My deepest sympathy to the family…condolence..maalala ko talaga yung nangyari sa brother ko, main line din ang dahilan ng kanyang pagkamatay.]
Sa kabilang banda, kinahihiligan ng marami ngayon ang pagcha-charge overnight dahil sa buong gabi na paggamit ng cellphone at gustong gusto natin na kinabukasan ay magagamit pa rin natin ito ng buong araw.
Kaya nga lang, kumpyansa lang tayo na i-charge ito at hindi iniintindi ang kalalabasan ng pagcha-charge overnight. Kampante lang na isaksak ang charger buong magdamag.
Matatandaan noon sa isang post ng netizen na si Maria Isabel Silva, nag post siya ng isang pangyayari na may kinalaman sa pag cha-charge overnight.
Sa kanyang post, pinakita niya ang mga larawan na kung saan naalarma siya na habang natutulog ay nasa tapat niya ang extension wire na doon naka charge ang kanyang phone.
Sinabi niya sa kanyang post na totoo talaga na hindi maganda na kapag habang natutulog ay hindi maganda na pabayaan lang na i-charge ang mga cellphones.
Ang nangyari ay hindi sila nag unplug ng amplifier dahil naka on pa ang kanilang radyo para makinig ng musika. Natulog na ang lahat noon maliban sa isa pa pa nilang kapatid.
Ipinaliwanag ni Maria na yung plug pala na ginamit jola ay bago lang daw yun inayos ng kanilang ama. Hindi nila na-unplug kaya sumabog ito katabi ng charger.
Laking pasasalamat naman ni Maria na walang nangyaring masama sa kanya dahil akala niyang matatamaan siya sa pagsabog dahil siya ang saktong nasa tapat ng sumabog na extension wire.
Ayon kay Maria, grabe ang pag apoy nito na inakala niyang masusunog na ang kanilang buong bahay. Nagising na lang si Maria sa sigaw ng kanyang ate at ang lakas ng pag apoy nito.
Dagdag ni Maria, ang nangyari sa kanila ay nagsilbing leksyon umano sa kanila. Sinabi rin niya na kailangan nang ihinto ang pagcha-charge overnight at huwag na huwag itabi ang extension wire kapag natutulog.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment