Wednesday, December 1, 2021

Dating Pulis sa Tarlac na Pum4slang sa Mag-inang Gregorio na si Nuezca, Kumpirmadong Pumanaw Na!


Mabilis na kumalat ang kalalabas lang na balita ang tungkol sa pamamaalam ni Police Senior Master Sergeant Joel Nuezca.

Si Nuezca ay ang pulis na sangkot noon sa pagpat4y sa dalawang kapitbahay noon sa Tarlac noong Disyembre 2020.

Ang balitang ito ay kinumpirma ni Bureau of Corrections spokesman Gabriel Chaclag nitong Miyerkules.

Ayon sa text message na nailathala sa balita, “This is to confirm the reported d34th of PDL Joel M Nuezca”. Alas-6:44 ng gabi noong Martes idineklarang pumanaw na si Nuezca ayon kay Chaclag.

Sinabi rin ng opisyal ng BuCor, dinala umanong walang malay ng mga kapwa preso si Nuezca sa National Bilibid Prison (NBP) ospital matapos mahilo ang dating pulis. 

“He was brought unconscious to the NBP Hospital by his cellmates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed,” paliwanag ni Chaclag.

Dagdag pa niya, hindi pa umano kumpirmado ang ikinamatay ni Nuezca. “Investigation [is] ongoing to determine if there is foul play in the incident,” aniya.


Agad na nakarating ang balita na ito sa mga netizens at marami ang nagbigay ng komento na hindi umano sila naniniwala na namaalam na talaga si Nuezca.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Show us the body of the deceased please. To lessen speculation that he escaped."

"Not happy with it kasi pweding hindi totoo or if totoo mn sana he suffer more nlng in jail rather dying early."

"Where's the corpse? No one trusts PNP these days."

Si Nuezca ay ang dating pulis na pum4slang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Kung maalala nakuhanan ng cellphone video ang komosyon sa pagitan ng mag-ina at Nuezca. Noong Disyembre 20, 2020 na naging ugat ng pagb4riI ng pulis sa mag-ina.

Noong Agosto, hinatulan ng guilty si Nuezcal ng korte sa Tarlac sa sinibak na pulis na si Jonel Nuezca dahil sa pagpatay sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Sinentensiyahan ni Judge Stella Marie Gandia-Asuncion si Nuezca — na virtual na dumalo sa pagbaba ng hatol — ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng hanggang 40 taon sa bawat count ng murder.

Ayon sa abogado ng pamilya Gregorio na si Freddie Villamor, napabilis ng nakuhanang video ng pamamaril ang pagdinig ng hukom sa kaso.



"Ang better part of what happened is napakabilis ng desisyon ng korte, kaya tuwang-tuwa kami. Isipin mo, within 8 months from the time of the incident, lumabas nang convicted si Nuezca," sabi ni Villamor.

Masaya ang pamilya sa desisyon ng korte, sabi ni Mark Christian Gregorio, anak at kapatid ng mga biktima.

"At least kahit papa'no, panatag na kami na makukulong panghabambuhay si Nuezca," aniya.

Source: socmedtoday


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment