Tuesday, December 28, 2021

Eruption Tai, Labis na Kinagigiliwan ng mga Netizen Matapos ang Kanyang Naging Reply sa Isang 'Rude Comment'


Mabilis na nag viral ang post na ito sa Facebook matapos ipinost ng isang netizen ang naging reply ni Eruption sa isag "rude comment" ng isang netizen sa kanilang family photo. 

Sa official Facebook ni Eric Eruption Tai, makikita na masayang masaya sila ng kanyang pamilya na nag bonding para i-celebrate ang kanilang pasko sa isang pool.

"From the bottom of my maskels, a SAFE & BLESSED-MERRY CHRISTMAS to your family from mine,"post ni Eruption sa kanyang Facebook.

Ngunit, kapansin pansin ang isang netizen na nagbigay ng kanyang komento tungkol umano sa plus size body ng kanyang asawa. 

"Why bro u can advise someone who can work out but your wife you cant teach her to be fit," komento ng isang netizen. 

Hindi naman pinalampas ni Eruption ang komento na ito. Marami ang natuwa sa naging reply niya sa 'rude comment' na ito para sa kanyang asawa.

"SHE'S ONE OF THE PHILIPPINES MOST SOUGHT AFTER PLUS SIZE MODEL! Actually one of the best..you'll see her on Avon, HnM, Cosmopolitan, SM and many more advertisements, prints and commercials #WomenEmpowerment

Matapos nito, dumagsa ang mga positive comments sa kanyang Facebook post matapos ang kanyang naging reply sa nasabing 'rude comment.'

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen na natuwa sa naturang reply ni Eruption.

"Gentlemen, this is how you handle bashers who make fun of your wives/gfs - you show them off more 👏🏼 Kudos to you, Mr. Eruption!"

"She's gorgeous. Don't mind the bashers. Hat's off to you sir for being so loyal to your wife...that is pure love ❤️"

"Really appreciate men like this. I gained a lot of weight after I gave birth and I feel really insecure and lost my confidence but my husband like sir eruption, really appreciates me🥺 la syang pake kahit mataba nako infact mas gsto nga niya na tumaba ako😭❤️"



Kaugnay ng isyung ito, matatandaan, nag trending noon ang pasaring ni Cristy Fermin tungkol sa isang sikat na aktres na si Nadine Lustre tungkol umano sa 'pa-show' ni Nadine.

Pinuna ni Cristy ang aktres na kung bakit ayaw umanong magdamit ng aktres sa lugar ng Siargao. 

Ayon pa dito, lumalakad daw itong walang damit kahit bibili lang naman ng sarsa ng lechon. Kitang kita umano ang buong katawan ng aktres. 

"Ikaw na hitad ka, ayaw mo magdamit, pa-show ka nang pa-show kahit saan, bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo.

"Si Nadine pumapa-show sa Siargao...Lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two piece...Ewan ko noh kung bakit ayaw niya magdamit," banat ni Cristy kay Nadine.

Dagdag pa nito, naging sentro na raw si Nadine ng body shaming. Minsan nga, may isang netizen na nagbigay ng komento tungkol kay Nadine at sinabi nitong tumataba na ang aktres. 


"Para di ka naba-bash, magtapi ka," ani ni Cristy. 

Sa kumalat na post, maraming mga netizen ang hindi natuwa sa mga pasaring ni Cristy Fermin sa aktres lalong lalo na ang mga fans ni Nadine. 

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment