Wednesday, January 12, 2022

Batang Nag-aararo Noon na si Reymark Mariano, Nakapagpatayo na ng Sariling Bahay Ngayon!


Marahil ay hindi natin makakalimutan ang batang si Reymark Mariano dahil sa kanyang kaawa-awang sitwasyon noon na naranasan niya sa murang edad pa lang. 

Noong nakaraang taon, nag trending si Reymark dahil sa kwento ng kanyang buhay. Marami ang talaga namang nadurog ang puso dahil sa kalagayan niya.

Siya ay isang sampung taong gulang na bata na nagtatrabaho para buhayin ang kanyang pamilya. 

At para kumita ng pera, nag-aararo si Reymark sa bukid upang may maipang gastos lang sila sa kanilang araw-araw na pangangailangan. 

Itinampok ang kwento ni Reymark sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Dito na maraming naantig sa kwento ni Reymark dahil sa taglay niya kasipagan sa murang edad pa lang. 

Makalipas ang halos isang taon nasaan na nga kaya ang batang si Reymark at ano na nga kaya ang nangyari sa buhay niya?

Sa ngayon, balik eskwela na umano si Reymark at mayroon na rin siyang sarili niyang bank account. 

Dito umano niya iniipon ang lahat ng pera na nakuha niya noon mula sa mga good samaritans na tumulong sa kanya. 

Kinumusta si Reymark ng programang KMJS at pagbabahagi ni Reymark, “Every month po may nagpapadala po sa akin ng mga kailangan po sa pag-aaral po.

“Marunong na po ako ng kaunti ng English, magbasa.”

Laking pasasalamat din ni Reymark dahil sa dinami-dami ng mga mabubuting tao ang nagbigay ng donasyon sa kanya ay nakapagpatayo na rin ng sariling bahay si Reymark. 

Dagdag pa ni Reymark, hindi na rin siya nag-aararo ngayon para lang mapakain ang pamilya. 


“Hindi na po ako nag-aararo. Masaya po kasi kung ano gusto ko mabibili ko na po,” masayang kwento ni Reymark.

Mayroon na rin silang tatlong kabayo na katulong nila sa kanilang pagsasaka sa bukid.

Higit din na nagpapasalamat si Reymark sa programang KMJS dahil ito ang naging daan upang sila ay matulungan.

“Nagpapasalamat po ako kay Ma’am Jessica kundi dahil sa kanya hindi po ako nakaunlad sa hirap. Sa ating mga OFW diyan, salamat po sa nagpadala sa akin ng pera. Promise, pagbubutihin ko po ang aking pag-aaral po.”

Ang kwento ni Reymark Mariano, 10 taong gulang na tubong taga Mindanao ay nagpaantig at nagpalungkot ng puso sa mga netizen dahil sa kanyang mga paghihirap at mga sakripisyo na nararanasan sa murang edad pa lang.

Matatandaan, nitong Mayo 23, marami ang nanood sa istorya ni Reymark na ipinalabas sa programang sa Kapuso Mo Jessica Soho  (KMJS) ng GMA Network. Sa nasabing episode, marami ang namangha at nagulat sa kanilang nasaksihan na hindi gaya si Reymark ng iba pang mga bata. 

Pagkatapos ng nasabing programa ay marami ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa nasaksihan nilang kwento ni Reymark. Hindi halos maisip ng iilan na sa murang edad ay nagtatrabaho na siya sa bukid.

Sa isang panayam kay Reymark, ibinahagi niya na sa murang taong gulang pa lang, natuto na siyang mag araro ng ektaryang lupain para makatulong sa kanyang mga magulang at maging sa kanyang mga kapatid.


Naalala rin ni Reymark na wala na siyang iba pang choice kundi ang magtrabaho sa bukid matapos makulong ang kanyang ama at dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagpupursige na mag araro.

Iniwan na rin si Reymark ng kanilang ina dahil sa mayroon na itong sariling pamilya. Kaya ibinilin na lamang siya sa kanyang mga lola’t lolo.

Matapos pinalabas ang kanyang kwento at inere sa telebisyon, agad ito nag viral sa social media at dito dumagsa ang tulong para sa bata. Marami ang naawa sa kanyang istorya dahil sa nakikitang sitwasyon ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya. 

Isa sa mga netizen na tumulong kay Reymark ay ang lalaking nagngangalang Jerick Mitra. 

Si Jerick Mitra ay isang motorcycle enthusiast. Matapos mapanood niya ang kaawa awang sitwasyon ng bata, nagdesisyon siyang ibenta ang kanyang expensive helmet.

Sa kanyang Facebook post, naghanap umano ang motorcycle enthusiast ng buyer na interesadong bilhin ang kanyang helmet.

Ayon sa kanyang post, nakalagay sa kanyang caption na ibebenta niya ang kanyang helmet sa halagang Php 12,950 at ipinangako niyang lahat ng kanyang makukuha sa pagbebenta ng helmet ay mapupunta kay Reymark.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment