Nag viral agad ang post ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account tungkol sa isang tao na nagkakautang umano sa kanya.
Ayon pa sa kanya, wala na siyang narinig mula sa asawa ng basketball player, siyang nagkakautang umano sa kanya.
Base sa kanyang Facebook post, nasa isipan niya umano ang pag disclose sa pangalan ng nasabing asawa ng isang basketball player.
"Anong petsa na? Wala pa ring paramdam yung misis ng basketball player sa utang sa akin. Pangalanan ko na kaya," sulat ni Ogie sa kanyang post.
Ang nasabing Facebook post ni Ogie ay mabilis na nag viral at humakot ng mga samu't saring komento mula sa kanyang mga followers.
Kaugnay ng kwentong ito, ibinahagi ni Harlene Budol o aka "Hipon Girl" ang kanyang naging karanasan sa mga isyung 'utang' sa kanyang Instagram stories.
Ayon sa kanya, ayaw na niyang magpautang sa ibang tao dahil mahirap ang mag demand ng payment sa mga taong nagkakautang sa kanya.
"Isa sa mga natutunan ko ayoko na mag pautang nakakahiyang maningil parang ending ikaw pa yung mali," sulat ni Harlene sa kanyang post.
Sa post ni Harlene, tiyak maraming mga netizen ang nakaka-relate sa kanya kaugnay ng isyu sa mga utang.
Kilala si Ogie Diaz bilang Mama Ogie at sikat siya sa pagbibigay ng diretsahang komento tungkol sa mga panibagong isyu na kung saan dawit ang mga kilalang celebrities.
Kamakailan lang, maraming mga netizen ang panay reklamo sa kalidad ng negosyong cochinillo o roasted piglet ni Marvin Agustin na kamakailan lang ay usap-usapan sa social media.
Maliban sa mga netizen, may dalawang personalidad ang nagpakatotoo sa kanilang komento tungkol sa business na cochinillo ng kapwa nila aktor.
Una na rito ang mismong showbiz columnist na si Ogie Diaz, na nag-post sa Facebook nitong Disyembre 26.
Gusto niyang subukan at mahanap ang cochinillo o lechon seller na masarap talaga ang paninda at hindi ‘budol’ o terminong ginagamit kapag masyadong na-hype sa advertisement ang isang produkto, ngunit ibang-iba naman sa aktwal.
“Looking for cochinillo or lechon seller na masarap talaga at hindi budol. Any reco? Teka, hindi po yung seller ang kakainin ha?” pabirong sabi ni Ogie.
May mga nagrekomendang netizen na subukin niya ang cochinillo ni Marvin Agustin.
“Marvin Agustin is the name!” saad ng isang netizen.
Tugon naman ni Ogie, “Natikman ko na yung cochinillo ni Marvin, baka lang hindi kami nagkasundo nung biik sa lasa. Hahaha! Kaya hanap uli.”
Tinag pa nga ni Ogie ang direktor na si Darryl Yap, "Ikaw, Darryl Yap"?
Ogie Diaz hindi po ako nasarapan Mama Ogs, sobra sa mantika, kahit po ang sauce. Nag-feedback naman po ako, baka nataon lang din sa akin— charot,” tugon naman ng direk.
“Darryl Yap hahaha! Olaaaay kaaa, direk!” tugon naman ni Ogie.
Sa kanyang showbiz vlog nitong Disyembre 28, pinayuhan ni Mama Ogie si Marvin na i-refund ang bayad ng mga nadismaya sa cochinillo niya. Ito ang mga naging paksa nila.
“Eh, kasi naman ‘Nay (tawag kay Ogie) sa pagkain relative ‘yan, eh. ‘Yung masarap sa ‘yo hindi masarap sa iba, ‘yung masarap sa iba hindi masarap sa ‘yo,” saad ni Mama Loi na co-host niya.
“Ikaw ba nakatikim na?” tanong ni Ogie.
“Natikman ko na rin ‘yun,” sagot naman ni Mama Loi.
“Sino kasama mo?” untag ulit ng showbiz columnist-vlogger.
“Ikaw! Hahahaha!” natatawang sabi ni Mama Loi.
Natikman umano nila ang cochinillo ni Marvin sa isang birthday party.
“Tinikman natin ‘di ba? Totoo ba ito? Oo ‘di ba, grabe ‘yung hype, ‘yung press release, ‘yung marketing strategy na takam na takam si Marvin Agustin sa lechon tapos ng tinikman namin, ganito lang ‘to?”
Pati raw sauce ay mamantika rin at hindi nila nagustuhan.
Nagbigay din ng payo si Mama Ogie kay Marvin tungkol sa kanyang business na cochinillo o roasted pig.
“Kung talagang gustong itayo ni Marvin ang kanyang dignidad, ang kanyang integridad at kung talagang sincere siya sa kanyang apology, sa kanyang statement na ito feeling ko dapat si Marvin ay i-refund niya ang bayad ng mga na-disappoint.”
“Yung mga tao na nag-expect ng too much from his cochinillo. Tingnan natin sa mga susunod na araw ay mag-update siya. Sana ang update ni Marvin ay, ‘Ito na po ‘yung mga nasoli naming bayad.”
“So, Marvin alam naman natin na ikaw ay isa nang chef at entrepreneur at ilan na rin ang mga restaurants mo na sabi mo nga, di ba, mas maganda kung ibalik natin ang mga tiwala ng customers natin,” aniya pa.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment