Wednesday, January 5, 2022

Ina ng Suspek sa Umano'y Pagpaslang sa Maguad Siblings, Lumuhod sa Mismong Harapan ng Magulang ng mga Biktima


Humarap na sa pamilyang Maguad ang ina ng alyas "school girl" na siyang suspek umano sa pagpaslang sa magkapatid na Maguad. 

Lumuhod ito sa harapan ng mga magulang ng mga biktima upang humingi umano ng tawad sa karumal dumal na ginawa ng kanyang anak.

Maayos naman siyang hinarap ng mga magulang ng Maguad siblings at nakapaglabas siya ng saloobin sa nangyari. 

Ayon pa sa ina ng suspek, naiintindihan niya ang nararamdaman nina Cruz at Lovella Maguad at hindi rin umano niya mapigilan na mapaiyak kapag nakikita ang larawan ng dalawang bata.

Nangako naman siyang makikipagtulungan sa pagkamit ng hustisya sa biglaang pagkawala ng magkapatid. 

Ayon sa mag-asawang Maguad, ang ina ni "school girl" ang makatutulong sa kanila upang malaman ang buong katotohanan sa likod ng walang-awang pamamaslang sa kanilang mga anak. 

Sinubukang makipag-usap ang ina ng nasabing suspek na nasa kustodiya ng DSWD subalit hindi pa ito pinahihintulutan. 

Kamakailan, pinuna ng mga magulang ng Maguad siblings ang Instagram post ng isang aktres na si Anne Curtis tungkol sa kanyang paninindigan na huwag babaan ang criminal age responsibility. 

Sa taong 2019, nag post ang aktres sa kanyang Instagram, isang UNICEF Goodwill Ambassador, hindi siya pabor sa pagbaba ng criminal age responsibility sa siyam na taong gulang.

Bagkus, sinuportahan ng aktres ang ganap na implementasyon ng kasalukuyang batas na RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nagtatakda na ang pinakamababang edad ng criminal liability ay 15 taong gulang. 


“I stand with them for NOT lowering the criminal age of responsibility but instead supporting the full implementation of the current law of the Juvenile Justice and Welfare Act,” ayon sa post ni Anne Curtis noong 2019.

“I understand that there are those who see differently but if you could only try and discern that they are STILL CHILDREN, are victims of their circumstance and are still young enough to change their ways,” dagdag pa niya.

“Instead of being penalized, they should have access to proper rehabilitation – where they can be properly cared for to understand what they may have done wrong, learn to change their ways and be given a second chance at life,” paglalahad pa niya.

Gayunpaman, ang pahayag ng aktres ay hindi nagustuhan ni Lovella, ina ng magkapatid na Maguad. 

“You don’t live in a real world Ms. Anne. What you know is Children are as adorable and innocent as you’re daughter same as ours. You know nothing of the many instances/incidents how other children could be of the worst,” panimula ni Lovella.

Ayon pa kay Lovella, hindi umano isang pelikula ang buhay na maaari pang ulitin pa. 

“You are rich and exposed to a movie like character. Life isn’t a movie ..there’s no take two or three when you’re not able to do it right. 



You’ll understand what I am trying to figure out when you’re adorable n innocent daughter will be one of the victims of these instinctive criminals whom you called as children in conflict with the law. I’ll deal with you when I’ll be winning myself/sanity again,” aniya.

“Look at my promising daughter n son…They’re not children of a popular or rich actress/people like you or influential politician but children of common members of the society who are trying to contribute something better n making a difference in the society, taxpayers who have been genuinely touching more lives more than you,” paglalahad pa ni Lovella.

Samantala, nagsalita na rin ang ama na si Cruz Maguad sa naging pahayag ng aktres sa kanyang Instagram post.

“Anne curtis nagsusumamo ako sa yo…pumunta ka dito sa amin at mag imbistiga about my children.alam ko nagsisimba ka rin, kaawaan mo naman ang mga anak namin.alam kong naniniwala ka rin kay god. hihintayin mo pa bang mangyayari din sa anak mo ang nangyari sa mga anak namin?” ani Cruz.

“Imbis na tulungan mo kami, mukha atang pinapanigan mo pa ang kriminal? naging fans mo kami sa showtime, iilan kami sa nagpasikat ng programa ninyo sana naman this time damayan mo naman kami sa trahedyang ito sa aming buhay. patnubayan nawa kayo ng maykapal,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, wala pang naging pahayag ang aktres tungkol sa naging mga saloobin ng mga magulang ng mga Maguad siblings. 

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment