Kasama sa haharap ng criminal charges ang mga magulang ni Gwyneth Chua o aka "Poblacion girl" na ihahain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ayon sa CIDG, isasampa kay Chua at sa walo pang mga tao na kasama ni Chua sa party ang nararapat na parusa para sa mga lumalabag sa mga basic health protocol at sa mga quarantine rules.
Ayon din sa mga ulat, ang mga magulang ni Chua ay mismong nag pick-up sa kanya sa hotel.
Ayon kay Ferrero, nalaman nila na ang ama mismo ni Chua ang siyang nag pick-up sa kanya sa Berjaya Hotel sa Makati, Disyembre 22.
Disyembre 23 ng gabi, nakita siya na kasama ang kanyang friends na nag pa-party sa Poblacion, Makati.
Nitong Disyembre 25, dinala ulit siya sa Berjaya Hotel ng kanyang ina.
Maliban sa mga magulang ni Chua, kasama rin sa sasampahan ng kaso ang mga staffs ng nasabing hotel.
Kaugnay sa isyung ito, hindi napigilan ng aktres na si Aiko Melendez na magpahayag ng kanyang pagkadismaya sa nag trending ngayon na si Gwyneth Chua o mas kilala bilang "Poblacion Girl."
Si Chua ay dapat sanang naka-quarantine pa sa isang hotel galing sa ibang bansa sa United States alinsunod sa mga quarantine rules.
Ngunit, nawindang na lang ang mga netizen nang makita siyang nagpa-party sa isang bar sa Barangay Poblacion, Makati City.
Tumakas siya sa kanyang quarantine facility para maka attend ng party nitong Disyembre 27.
Nag positibo si Chua sa COVID-19 matapos siyang isinailalim sa RT-PCR test nitong Disyembre 29 lang kasama ang kanyang mga kaibigan na nakahalubilo niya sa nasabing party.
At nitong Disyembre 31 lang, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nagdeklara na muling isinailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 dulot ng tumataas na kaso ng COVID-19 infections.
“Poblacion Girl – Happy New Year??? “Today Alert 3 tayo uli… habang ang majority ng tao sinusunod talaga ang lahat ng protocols. Meron pa din talaga ang iilan na nakakagulat they claim na me connections sa hotel? Government? Parang nakakahiya naman to,” sulat ni Aiko sa kanyang post.
“For some ikot ng ikot lang wala pakialam basta maka-ikot. ‘Wag n’yo antayin na lahat ng actions n’yo tapos ang balik ang di n’yo kakayanin,” dagdag pa niya.
Nagbigay din ng babala si Aiko na kung maaari ay pigil pigilan muna ang 'eagerness' na makapag-party.
“So reminder naman sa mga tao pigilin n’yo muna ‘yung eagerness n’yo gumimik kasi makaka-antay naman ‘yan tamo ‘tong Poblacion Girl dahil sa kagustuhan mag-party party tumaas na naman ang me COVID,” aniya.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment